Malalaking buwaya at collector ni Gen. Decano

DARATING  NA RITO sa ‘Pinas ang representative ng Guinness Book of World Records upang i-dokumento ang ating pinakamalaking buwaya na binansagang si “Lolong”.

Sa record kasi ng buong mundo, ang pinakamalaking buwayang nahuli ay sa Australia na may sukat na mahigit 4 na metro ang haba at pinangalanang “Cassius Clay”.

Kaya nga sabik silang makita rito sa ‘Pinas itong si “Lolong” na mahigit 5 metro ang haba!

Ang hindi alam ng darating na mga taga-record ay “jackpot” sila.

Dahil dalawang malalaking buwayang nahuli ang kanilang maitatala.

Ang pangalawa ay si Major General Carlos Garcia na ngayon ay nakakulong sa Bilibid!

Suriin ninyo, parekoy, ang katangian ng isang tunay na buwaya.

Nang mahuli itong si “Lolong” ay kinakitaan ng sobrang bait.

Walang reaction, ‘ika nga.

Ayaw ngang kumain at kunwari ay depressed.

Kaya naman marami ang nagpanukala na pakawalan na lamang ito.

Ano, bali?

Nahuli mo na ang pinakamalaking buwaya, pakakawalan mo pa? Huh!

Naalaala ko, parekoy, itong si Gen. Garcia noong hinuli at dinala sa Bilibid.

Walang reaction at sobra ang bait… parang si “Lolong”.

Sa ganang akin, anumang kabaitan ang ipakita ng isang buwaya, “carnivorous” pa rin ito.

Hayok sa laman, ‘ika nga…. At mapanganib!

Kaya nga hindi dapat ipagwalang-bahala.

At ni sa panaginip ay ‘wag isiping pakawalan ang mga ito!

Manahimik man ang mga ito… buwaya pa rin!!!

 

COLLECTOR NI NORTHERN Police District (NPD) Director Antonio Decano si SP03 Jojo Cruz.

‘Yan, parekoy, ang pagkaka-kilala ng mga iligalista sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela rito kay Jojo Cruz.

Kaya nga takot sila na hindi asikasuhin pagbigay kay Cruz ang lingguhang “parating” ng mga iligalistang ito.

Na ayon sa kanilang pagkakaalam ay para raw kay Gen. Decano.

Ewan lang natin, parekoy, kung para nga kay Decano ang nasabing weekly collection ni Cruz.

At ewan din natin kung alam nga ni Decano ang nasabing collection “activities” ni Cruz.

Kung hindi alam ito ni Decano, maliwanag pa, parekoy, sa sikat ng araw na binubukulan ni Cruz ang kanyang bossing.

At may lakas naman kaya ng loob itong si Cruz na bukulan o gamitin ang pangalan ng pinakamataas na opisyal ng NPD?

Tsk, tsk, tsk. Nananahimik kasi si Gen. Decano, sa kabila ng kalat na isyung ikinukulekta siya ng pulis na ito, kaya naman marami tuloy ang nagdududa na collector nga ng heneral ang SP03 na ito!!!

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734. 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.