Malaking Sindikato sa Sex-For-Fly Scandal, Ibinunyag

ISANG MALAKING sindikato umano ang nasa likod ng nabunyag na “sex-for-fly” scheme sa mga embahada ng Pilipinas sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni John Leonard Monterona na Middle East at North Africa coordinator ng grupong Migrante International, maliban sa sangkot na embassy official, mayroon pang mga kasabwat na local-hire staff ang grupo na siyang nag-aayos para sunduin ang mga biktimang Pinay overseas workers ng kanilang mga “kliyente”.

Inihayag pa ni Monterona na halos magkakatulad umano ang modus operandi ng sindikato base sa testimoniya ng ilang mga nabiktima na mga OFWs.

Sinasabing nasa 500 hanggang 1,000 rials umano ang ibinabayad ng mga “kliyente” kapalit nang panandaliang-aliw mula sa mga distressed Pinay workers.

Una nang inihayag ng grupo na noon pang 2005 nila narinig ang naturang kaso laban sa mga kababayan.

Samantala, umaasa sila na pagtutuunan ito ng pansin ng kinauukulan lalo na’t sinasamantala lamang umano ang kahinaan ng mga OFW na dapat sana ay tulungan imbes na pagsamantalahan at makaranas ng pagmaltrato.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.