Malaking Kuta ng NPA sa Agusan at Surigao, Sinalakay ng Militar

IPINAGMALAKI NG 402nd Brigade Philippine Army ang sinalakay nilang pinakamalaking kampo at teritoryo ng New People’s Army (NPA) sa boundaries ng Agusan del Norte at Sur at Surigao.

Ayon kay Col. Ferdinand Napule ng 3rd special forces 402nd Brigade, Philippine Army, pasado alas-2 ng hapon kamakalawa, nadiskubre at napasok ng ground troops ang 400-by-300 meter na kuta ng makakaliwang grupo.

Ang nasabing kampo ay may anim na mga kusina, 120 mga bunkers, 30 mga outposts at mga improvised explosive device (IEDs) na pinaghihinalaang ginawa ng mga rebelde bilang proteksyon laban sa mga kaaway, ani ng opisyal.

Narekober mula sa kampo ang mga assorted wires at iba’t ibang materyales na gagamitin sa paggawa ng bomba, isang generator set at mga subersibong dokumento.

Isa ito sa pinakamalaking accomplishments ng kasundaluhan, dagdag pa ni Col. Napule.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.