Malaking gas allowance ng AFP, paiimbestigahan

IPINAG-UTOS NI ARMED Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Eduardo Oban, Jr. na imbestigahan ang umanoy malaking halagang nagamit na ng military para sa supply ng gas ng sandatahang lakas.

Kasunod ito ng pagkakadiskubre sa  pamamagitan ng  Office of the Deputy  Chief of Staff for Logistics  o kilala sa tawag na J4, na kasalukuyang pinamumunuan ni Commodore Teddy Pan, na umaabot na sa mahigit P400-M ang nagagastos ng AFP mula lamang noong January hanggang March 15 ng kasalukuyang taon.

Ang nasabing halaga ay sobra naman sa P150 milyong pondo ng military para sa supply ng gas sa loob ng tatlong buwan.

Partikular na paiimbestigahan ni Oban ang tanggapan ng J4 upang alamin kung bakit umabot sa daang milyong piso ang nagastos na ng AFP. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.