Malaking female star, pinagmumura ng kabataang ‘di nabigyan ng Pamasko! – Joey Sarmiento

Dahil malaking artista at asawa pa ng isang pulitiko, hindi naiwasan na abangan siya ng mga kabataan sa Tomas Morato, Kyusi para lambingan ng pang-aginaldo. Matagal-tagal din ang ginawang pag-antabay ng mga bagets sa malaking female star na ito ng Kapamilya kaya nang lumabas siya sa building na ‘yon, e, halos mapatalon ang mga bagets sa katuwaan dahil sa pag-asang makakakuha sila ng pang-Krismas.

Kaso, kahit na isang ngiti, e, hindi nabigyan ang mga bagets. Kahit na kalahating hamburger, e, hindi man lang sila na-offer-an. Hinawi pa sila to-the-max ng bodyguards ng malaking female star na ito.

Hindi na kami na-surprise nang narinig namin ang mga kabataan na pinagmumura ang literal na malaking female star na ‘yon. Kung bibigyan namin ng benefit of the doubt ang tinutukoy naming artista, siguro, pagod lang siya nang sobra.

If you will read between the lines, makukuha n’yo kung sino ang tinutukoy namin dahil kung hindi, e, baka mawalan ng ningning ang iyong mga bituin… getz?

CHIN CHIN GUTIERREZ, a veteran actress that she is, should learn a lesson or two sa sampalan scene nina Sharon Cuneta and Zsazsa Padilla sa Regal Film Fest entry, Mano Po 6.

Matindi ang sampalan blues ng dalawang aktres. Napaigtad din si Zsa Zsa nang sinampal siya ni Megastar sa eksena pero walang reklamong narinig coming from both camps.

“As a professional star, e, we should be generous sa pagbibigay ng scene. Dapat hindi nag-aagawan sa eksena at dapat, protektahan din natin ang mga kaeksena natin,” sabi pa ni Tita Shawie, coming from a veteran star herself.

Hindi naman siguro si Chin Chin ang pinaparinggan niya sa sinabi niyang ‘yon, hendehvah?

FROM SEXY MALE and female stars, marami ang nagulat dahil pinagtri-trip-an naman ngayon ni Mother Lito de Guzman ang mga bading with his newly formed group, The Wonder Gays which is composed of Julius, Valerio, John Paul and Jo.

Kung mapapansin, e, hunk na hunk ang names ng bagong gay group pero ang mga alyas nila, nakakawindang. Sila ay sina Blue, Pink, Violet and Yellow, in that order.

Ni-launch ang kanilang bagong album with their carrier single “No Money Na You” at ibang klase ang kanilang mga acrobatic performances na siguradong hindi magagawa ng ibang mga gay performers, pwamis!!!

Mapapanood ang Wonder Gays sa Minglanilla, Cebu on  Jan. 15 at sa  Jan.16, 2010 naman sa Pagcor Casino Water Front Hotel, Cebu City .

Ewan lang kung gagayahin ng mga bading na ito ang hindi pag-suot ng mga underwear ng ibang mga alaga ni LDG sa Baywalk Bodies.

USAPANG BADING PA rin at paki ni kaibigang Danny Batuigas, siguradong maha-high blood daw ang mga lolang bading sa search ng Mr. White Bird 2009, tonight. Rarampa kasi nang walang saplot ang mga hunks sa White Bird, Parañaque along Roxas Boulevard.

Kaya kung nagpa-blood test kayo at nalaman niyong berde ang inyong dugo, text lang sa cel # 0917 6971507 for details, okidoki?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “Malaking female star, pinagmumura ng kabataang ‘di nabigyan ng Pamasko! – Joey Sarmiento

  1. ang tanong totoo ba tong issue na to??? baka naman sobrang exagg nito…ang pagkkaalam ko ke mega sobrang matulungin yan di lang sa kapwa nya artista at mrami pa syang foundation na undisclosed…yan ang totoo!!!

  2. Si Tsitsharon pa la yung tukoy sa blind items, Hmmmmmmmmm tapos alburoto sya na hindi sa kanya na punta yun.

    Sabi nga nii Fr. Orbos sa misa nya dyan sa kapamilya, minsan lang sa isang taon na mirwisyo ang mga kabataan di pa mabigyan.

    Sana hindi kumita yang movie mo.

  3. true! sharon cuneta! talaga namang plastic yan! malaking plastic at malaking taba! palibhasa, bitter kasi talagang may ibang babae si Kiko Pangilinan at naanakan pa. di lang once.. but twice! tsk! dami daming pera di mang lang nagshare!

  4. Sino pa nga ba si Shawie Cuneta na ngumunguy nguy dahil sa mana. at toda ang pag papa ayus sa mga publisidad sa ga bayaring reporters na sinasabing mananalo sya ng best actress sa mano po. tulad din ng ginawa sa madrasta ni Ronald Kabayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.