Malak So Shdifat, mas gustong magkontrabida kaysa magbida

Malak-So-ShdifatISA SA masuwerteng matatawag among alumi ng Artista Academy ay ang Katrina Halili look-alike na si Malak So Shdifat na isa sa cast ng Positive ng TV5, every Thursday night, 9pm. ‘Pag titingnan mo nga ito, puwede mong pagkamalan na young sister ni Katrina.

Flattered daw si Malak everytime na may magsasabi na kamukha niya si Katrina, dahil maganda naman daw ang actress at magaling pang umarte mapabida o kontrabida. Katulad ni Katrina, kontrabida role rin ang naiaatang ng Kapatid Network kay Malak at ito naman daw ang gusto niyang gawin more than pagbibida.

Pero tsika nga nito, “Okey lang po na sabihin nila na kamukha ko si Katrina, nakaka-flatter po ‘yun. Pero katulad ng ibang artista, gusto ko rin pong magkaroon ng saili kong identity. Mas maganda kasi na kapag nakita ako ng tao, tatawagin nila akong Malak at hindi ‘yung kamukha ako ni Katrina.”

Gusto rin daw nito na i-try ang magbida pero bida-kontrabida, if mabibigyan siya ng pagkakataon. At kung sakali, ang mahusay na aktor na si Christopher de Leon ang gusto niyang makasama, dahil alam daw nitong marami siyang matututunan sa nasabing award-winning actor pagdating sa pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Malak So Shdifat, mas gustong magkontrabida kaysa magbida

    • Oo nga, saan ito napulot, maputi at makinis rin, pero sa panahon ngayon ang hirap nang malaman kung sino na talaga ang pure na maputi dahil karamihan nagpa IV na ng gluta para pumuti, di ba Dr. Belo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.