Malagkit ang tingin sa crush Kelot, pinatay sa taga ang bespren

PINANINIWALAANG MATINDING pagseselos ang ugat ng pagtaga ng isang lalaki sa kanyang matalik na kaibigan makaraang mahuli nitong tinitingnan ng huli ang kanyang nililigawan sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur.
Kinilala ang biktimang si Nelson Reyes, 40 anyos, magsasaka ng Barangay Salvacion habang tumakas ang suspek na si Nenelon Rodalia ng Barangay Gaao, kapwa sa bayan ng Tigaon.
Ayon kay PO2 Joel Manugid ng PNP Tigaon, nag-iinuman pa ang dalawa kasama ang isang kaibigan sa bahay ng isang Magdalena Royo na umano’y matagal nang gusto ng suspek nang magkaroon ng mainit na diskusyon.
Sinasabing napansin ni Rodalia na panay ang lihim na sulyap ni Reyes sa babae dahilan para pabirong sitahin ito.
Noong una’y nagkakatawanan pa subalit nang tumalab ang alak ay nauwi sa mainit na pagtatalo ang diskusyon hanggang tumakbo palayo ang biktima.
Gayunman, dahil nasaktan na ang pride ni Rodalia ay hinabol nito ang biktima at nang maabutan ay kanyang sunud-sunod na tinaga gamit ang itak.
Tama sa leeg at mukha ang tinamo ng biktima na agad nitong ikinamatay.
(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.