Malacañang, nagpasaklolo sa mga alkalde vs problema sa LRT, MRT

HUMINGI NG tulong ang Palasyo sa mga alkalde sa Metro Manila para makagawa ng solusyon sa nararanasang mabigat na problema ng mga pasahero ng MRT at LRT.

Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang nasabing pahayag matapos lumabas sa pagdinig ng Senado na darating sa bansa ang karagdagang coaches ng MRT sa taong 2015 pa.

Ayon kay Valte, naghahanap ng ibang paraan ang DOTC para maibsan ang sakripisyo sa mahabang pila ng libo-libong commuters ng mass rail transit, kabilang na ang pagpapatupad ng single ticketing system.

Sinabi ni Valte na tumutulong na ang Makati City sa pag-dedeploy ng mga bus para sa libreng sakay ng mga nagta-trabaho sa Makati.

Humingi rin ng paumanhin ang Malacañang sa pagsasakripisyo ng mga commuters dahil ginagawa naman ng gobyerno ang lahat ng hakbangin para maibsan ang kanilang kalbaryo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Malacañang, nagpasaklolo sa mga alkalde vs problema sa LRT, MRT

  1. Pingback: Malacañang, nagpasaklolo sa mga alkalde vs problema sa LRT, MRT - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.