Malacañang, Itinanggi ang mabagal na pagbibilang sa mga Nasawi sa Yolanda

ITINANGGI NG Palasyo ang mga ispekulasyon na sinasadyang pabagalin ang pagbibilang sa mga nasawi sa super typhoon Yolanda para hindi umabot sa naunang tinayang 10,000.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na walang katotohanan ang mga nasabing ispekulasyon at dapat hayaan na lamang na matapos ang pagbibilang

para masabi kung ilan talaga ang mga biktimang binawian ng buhay dahil sa kalamidad.

May report na umaabot na sa 5,235 ang natatagpuang patay bukod pa sa 1,600 na pinaghahanap pa  kaya posibleng umabot nga sa 10,000 base sa unang pagtataya.

“Ang sagot natin diyan ay hayaan na lang ho natin na matapos iyon—na isara ho kumbaga iyong count bago po kami magkomento, kung iyan na iyong pinakamataas in history, or at least for the Philippines,” ani Valte.

Hindi rin aniya tamang sabihin na “iniipit” ng pamahalaan ang totoong bilang at hindi ito tamang pag-usapan.

Ipinagtanggol din ng opisyal ang Pangulong Noynoy Aquino III sa unang pahayag nito na aabot lamang sa hanggang 2,500 ang nasawi dahil hindi pa umano noon napupuntahan ang lahat ng lugar kung saan nanalasa ang natu-rang bagyo.

Idinadgag pa ni Valte na hindi rin tama ang kuwento na malapit ng umabot sa 10,000 ang mga nasawi dahil lamang umapak na sa 5,200 ang mga nakikitang bangkay.

Samantala, maaalala na sinibak sa puwesto ang hepe ng Central Visayas Police (PRO8) na si Chief Supt. Elmer Soria dahil sa naging pahayag niya na umaabot sa 10,000 ang binawian ng buhay  sa kalamidad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.