Malacañang employees ‘di na makapagtu-Twitter

PAGBABAWALAN NA ANG mga opisyal at empleyado ng pamahalaan sa paggamit ng social networking (Twitter at Facebook) kung ito’y naglalayon lamang na magbibigay ng mga negatibong komento sa bansa, opisyal at kung anu-ano pa na makasasama sa imahe ng Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte, hinihintay na lamang nila ang guidelines na gagamitin sa usaping ito, kung saan nakasaad ang tamang code of conduct ng isang empleyado at opisyal ng gobyerno.

Sa ngayon, patuloy na idinadaan sa konsultasyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang hakbang na ito ng pamahalaan.

“Medyo mahabang proseso sa consultation dahil merong ibang commissions at ibang agencies na iko-consult. So, depende po how fast the consultation will go but, hindi naman po this week, hindi po ‘yan lalabas this week, hopefully the sooner the agencies are consulted, the better po para ma-release,” ayon kay Usec. Valte, sabay sabing “ordinary employees actually threshing out… meron po kasi tayong existing na code of conduct for public officials, hindi lang po kasi ako sigurado kung kelan na-draft ‘yung code of conduct na ‘yun. So, may pangangailangan po na i-update po with the time. But more or less, ‘yun din po ang basis ng guidelines.”

Sinabi pa rin niya na bago ipalabas ang  memo circular sa bagay na ito ay idinaan muna nila ang nasabing usapin sa legal team para sa tinatawag na “simple list ng guidelines”.

“’Yun po ang kailangan nating pag-aralan kung papano. Hindi naman po kasi ‘yan pagbabawal ng paggamit ng mga social networking sites. It’s more of  guidelines po, kung ano po ang acceptable, to be said, dahil ang lagi po nating aalahanin, ‘yung online, personal, lalo kapag empleyado po ng gobyerno. If it’s said in public, it’s also reflective of the government. Dapat  po gawin ang kaukulang pag-iingat ,” ayon kay Usec. Valte.

Sa ngayon, kaya’t hindi pa aniya mailabas ang guidelines sa aspetong ito ay dahil kailangan pa aniyang  masigurado na naaayon sa karapatan ng mga kasamahan sa pamahalaan ang guidelines at nais ng gobyerno na magkaroon ng simpler list ng do’s and don’t’s na inilaan para sa mga gumagamit ng social networking sites.

Matatandaang ang lahat ng sigalot na ito sa paggamit ng “sites” ay nag-ugat sa ginawa ni Asec. Carmen Mislang kung saan matinding pagpuna ang ibinigay nito dahil sa umano ay masamang lasa ng alak na inihain sa kanila ng bansang Vietnam noong nakaraang linggo.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Malacañang employees ‘di na makapagtu-Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.