Malacañang, ‘di nalusutan sa pork insertions

MARIING ITINANGGI ng Palasyo na nalusutan ng mga senador si Pangulong Noynoy Aquino III kaugnay ng realignment ng kanilang pork barrel fund sa 2014 national budget.

Maaalala na kabilang dito ang P200 milyong insertion ni Sen. Jinggoy Estrada sa LGUs kung saan P100 milyon sa Maynila.

Ang naturang realignment ay naisingit sa bicameral conference committee saka nilagdaan ng punong ehekutibo.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patunay rito ang conditional implementation na nakapaloob sa veto message ng pangulo.

Sinabi ni Lacierda na labas na ang mga senador at nasa Ehekutibo na ang pagpapatupad sa mga tinukoy na proyekto sa national budget.

Kakausapin daw ng DBM ang mga nag-realign na senador bago ilabas ang pondo kung nasunod ang mga kondisyon.

“So, in terms of implementation, post-budget execution, definitely wala na hong role ang legislature because that was precisely the decision of the Supreme Court where it says that the legislature has no participation after the budget has been approved by and made into law. Tapos na ang role ng legislators doon,” pahayag pa ni Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.