Malacañang, blangko sa ‘3 kings’ sa BOC

TINIYAK NG Palasyo na magkakaalaman kung sino ang mga nakikinabang sa smuggling sa oras na maipatupad ang “top secret” na reform plan sa Bureau of Customs (BoC).

Una nang inihayag ni Deputy Commissioner Danny Lim na “debatable” dahil walang “black and white” ang impormasyong nakararating din sa Malacañang ang pera mula sa smuggling.

Kalat na rin ang umano’y “three kings” sa BoC na pasimuno o protector ng mga smuggler.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, tanging sa media interviews nagsasalita si Lim kaugnay sa mga padrino ng smugglers.

Sinabi ni Lacierda na lahat ay malilinawan kapag sinimulan na ang reporma.

Samantala, tiwala si Lacierda na magkakaroon ng magandang resulta ang naturang hakbang na huwag pag-usapan baka makapagtago ang mga smuggler.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “Malacañang, blangko sa ‘3 kings’ sa BOC

  1. Mga Ungas pala ang mga taga Malacanang,,,ha ha,,,ang tatlong HARI ng Custom ay sina ROGEL GATCHALAN ng Port of Manila…bata yan ni Enrile………BOYSIE BELMONTE ng MICP….kapatid yan ni Sonny Belmonte…….ATTY DING SO ng NAIA…..Bata ng mga Iglesia ni Cristo yan……..ang PADRINO nila ay sina Paquito Ochoa at Sonny Belmonte,,,,hahahaha,,,nagbubulag bulagan lang kayo, ngawa ng ngawa si Pnoy sa SONA, nasa harapan at likod lang niya yung dalawang Padrino,,haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.