Malacañang, Aprub sa US-China Vow Kontra Tensyon sa Korea

SUPORTADO NG Palasyo ang pagkakaisa at commitment ng Amerika at China para harangin ang balak na giyera at pahupain ang mga banta ng North Korea.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, mas gusto ng US at China na pairalin ang kapayapaan sa bahagi ng Korean peninsula.

Sinabi ni Coloma na dapat ipairal din ang risonable at pagiging diplomatiko ng mga sangkot na bansa para magkaroon ng maayos na pagresolba sa tensyon ng North at South Korea upang maiwasan ang kaguluhan sa rehiyon.

Umaasa ang Palasyo na huhupa na rin ang tensyon sa Korean peninsula dahil nakataya rito ang kabuhayan ng mahigit 40 libong Pilipino na nagtatrabaho sa Seoul at Pyongyang.

Samantala, binigyang-diin ni Coloma na wala sa interes ng gobyerno ng Pilipinas na suportahan ang anumang marahas na hakbangin sa Korean peninsula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.