Malacañang ‘curious’ sa SC ruling vs FASAP

DUMISTANSYA MUNA ANG Palasyo sa kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kaso ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP).

Nababahala ang FASAP at tiwalang may paglabag ito sa Saligang Batas dahil biglang binawi ng Supreme Court (SC) ang nauna nitong ruling na nagsasabing iligal ang pagtanggal ng Philippine Airlines sa halos 2,000 flight attendants.

Nagtataka ang FASAP kung bakit isang sulat lamang ni Atty. Estelito Mendoza, abogado ng PAL ay biglang nagbago na ang ihip ng hangin.

Sinabi kamakailan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nito nababasa ang desisyon kaya tumanggi munang magkomento sa merito.

Pero ayon kay Lacierda, maging sila ay nahihiwagaan din sa naging desisyon at ‘curious’ na malaman kung ano ang basehan ng mga mahistrado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.