Malabong magkabalikan: Anne Curtis at Sam Milby, walang panahon sa isa’t isa!

MA-DISAPPOINT KAYA ANG fans nina Anne Curtis at Sam Milby dahil ang sweetness nila ay hanggang on-screen na lang muna? Pareho kasing aminado ang dalawa na sa ngayon ay abala sila sa kani-kanilang raket sa showbiz. No time for love ang ex-sweethearts, ‘ika nga.

Successful ang recent concert ni Sam sa Amerika with fellow Kapamilyas. Muling mapapanood ang aktor sa Precious Hearts Romances Presents: Impostor, katambal niya rito si Maja Salvador. Si Anne naman ay magiging abala na rin sa shooting ng In Your Eyes. Makakasama naman niya sa movie sina Claudine Barretto at Richard Gutierrez. May mga eksena raw na kukunan sa Amerika, kaya anytime now ay pupunta sila roon. Daily ring napapanood si Anne sa top-rating talent show na Showtime. Kaya paano pa nga naman nila mapagtutuunan ng pansin ang lovelife sa hectic schedule nilang ‘yan?

Sa recent movie nilang Babe, I Love You, maraming nakakikilig na eksena sina Anne at Sam. Komento nga ng mga nakapanood, para raw magsyota pa rin ang prized talents ng ABS-CBN. Pero sabi ni Anne, kumportable raw kasi sila ni Sam sa isa’t isa, kaya very smooth pa rin ang trabaho nila. Hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila ni Sam. Ganoon din naman ang pananaw ng aktor. Pero ang mahalaga raw sa ngayon, they are good friends. At mga career nila muna ang kanilang tututukan.

SO, TULOY PA rin ang ‘family feud’ between Gretchen Barretto and Claudine Barretto. Mismong si Gretchen na ang nagsiwalat nito. Sa pahayag ng aktres sa The Buzz, matagal na silang hindi nagkakausap ng nakababatang kapatid. Nagkabati na raw sila noon ni Claudine, pero tila clueless ngayon ang talent ni Kuya Boy Abunda kung bakit hindi na sila muling nagkausap ng kapatid. Inimbitahan pa raw niya si Claudine sa isang gathering, pero hindi na siya sinagot nito.

Tungkol naman sa may kinalaman daw ang pagbabanggaan ng MMK at Claudine TV shows last Saturday, pahayag ni Gretchen, wala siyang kinalaman sa mga ganoong sitwasyon. Pero mas lumamang sa ratings ang MMK ni Gretchen sa drama anthology ni Claudine.

Very emotional si Gretchen sa naturang interview ng The Buzz sa pagsasabing umaasa pa rin siyang magkakaayos sila ng bunsong kapatid.

BLIND ITEM. KAYA PALA KAHIT paekstra-extra lang ang dramatic actress sa mga indie films pero living in style pa rin ito ay dahil isa siyang dakilang ‘kept woman’ ng isang very rich businessman na taga-Cebu. Recently, naispatan ang dramatic actress sa event ng kanyang benefactor.

Akala ng marami, guest siya sa show, pero ‘yun pala ay bisita lang siya ng mayamang Tsekwa. Ang nakawiwindang pa raw, nandoon din ang orig na asawa ng businessman at magka-table pa sila ng dramatic actress. Sa ‘hitsura’ raw ng Tsekwa, obviously, pera lang talaga nito ang habol ng hitad.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleMale singer at 26K member, umeksena sa ladies’ room ng isang bar!
Next articleParazzi Chikka: Ang chik ni John Estrada

No posts to display