Malabon Police Station, Muntik Nang Dumanak ang Dugo

MUNTIK NA umanong dumanak ng dugo sa tanggapan ng Malabon Police Station makaraan magkapormahan na magbabarilan ang hepe ng nasabing himpilan ng pulisya at ang deputy nito dahil daw sa hindi pagkakaunawaaan kamakalawa ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ilang Malabon City Police insider, nagbuhat ang nasabing insidente nang pagmumurahin umano ni Malabon Chief of Police Sr. Supt. Ferdinad Ampil ang kanyang deputy na si Supt. Regie Aduezo bago mag-flag raising.

Sinabi ni Supt. Aduezo, “Palagi kasi kaming minumura ni Hepe sa tuwing umiinit ang ulo nito, kahit sinong pulis sa Malabon ang tanungin maltrato ang inaabot namin sa kanya.”

Sinabi pa ng source, ang huling insidente ng hindi magandang pagtrato ni Ampil sa kanyang deputy ay nang pagmumurahin ng una ang huli sa telepono noong nakalipas na linggo at pilit pang pinagre-resign si Aduezo.

Sa nagkakaisang pahayag ng mga pulis-Malabon, hindi nila alam kung bakit mainit ang dugo sa kanila ni Ampil, gayong ginagawa naman anila ang kanilang trabaho at parang mga busabos ang tingin niya sa kanyang mga tauhan.

Para mawala ang tensiyon sa nasabing himpilan ng pulisya, nag-leave of absent si Alduezo upang hindi na lumaki ang sigalot sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ng kapulisan sa nabanggit na lungsod.

Dahil dito, mariing hinihiling ng mga kapulisan ng Malabon kay NCRPO Director General Chief Supt. Leonardo Espina na palitan na nito si Supt. Ampil sa lalong mada-ling pahanon dahil sa sobra pagmumura nito sa kanyang mga tauhan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.