Malabon Police Chief, Pinasisibak

NAKATAKDANG MAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga tauhan ng Malabon City Police Headquarters para hilingin ang madaliang pagsibak umano sa kanilang hepe na si Senior Supt. Ferdinand Ampil hinggil umano sa pagiging bastos at kawalan nito ng modo bilang isang mataas na opisyal.

Ayon sa mga miyembro ng nasabing himpilan ng pulisya, hindi umano maganda ang inaasal ng kanilang hepe na si Ampil dahil kapag mainit ang ulo ay inaalipusta sila.

Anila, tulad halimbawa nang magkaroon sila kamakailan lamang ng kumperensiya ay nagpakita na naman si Ampil ng hindi magandang asal bilang kanilang pinakamataas na pinuno.

“Habang nagkukumperensiya kami ay bigla na lamang umanong uminit ang ulo ang aming hepe at biglang pinagtatabig  ang mga silya at nagbasag pa umano sa hindi malamang kadahilanan,” wika pa ng mga pulis.

Napag-alaman pa sa mga pulis na kahit sila nakasuot ng uniporme ay hayagan umano silang inaalipusta at binabastos ng kanilang hepe sa loob at labas ng kanilang himpilan at maging sa harapan ng maraming tao.

Dahil dito, hihilingin ng mga malapit nang mademorilisang pulis kay Mayor Len Len Oreta ang madaliang pagsibak sa kanilang hepe bago pa man lumalala ang sitwasyon.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.