Malabon Police Chief, hinihiling na magbitiw na

HINIHILING NG MGA magulang, concerned citizens, non-government organizations at mga samahang sibiko kay Malabon City Chief Police Chief Cornelio Barios na magbitiw na bilang hepe ng kapulisan, dahil umano inutil ang kanyang tanggapan sa pagsugpo ng mga iligal na sugal sa kanyang lugar.

Ayon sa mga nabanggit, sa halos lahat ng Barangay sa Malabon ay nagkalat na parang kabute ang mga Video Karera machine ng isang pulis-Maynila na si Sarhento Buboy Go na sinasabing “untouchable policeman’.

Nagsalasalabat din sa na-

sabing lungsod ang mga kubrador ng EZ-2, Ending at Lotteng ni Boy Edmond na ipinagmamalaki pa na kumpare umano niya si “Triple One”.

Ipinagmamalaki din ni Go na malakas ang kanyang koneksyon kay ‘Triple One’ dahil umano malaki ang kanyang bigay na intelihensiya kada linggo bukod pa sa kanyang i-binibigay na “grease” money.

Sinabi pa ng mga nabanggit, dahil sa mga nasabing sugal ay nagkalat ang mga holdaper, snatcher at mga kabataang mag-aaral, sa dahilang nalululong sa pagsusugal sa VK at pagtaya sa EZ-2, Lotteng at Ending.

Anila, nararapat na magbitiw na si Barios, dahil umano bigo ito na magampanan ang kanyang tungkulin sa ikasusugpo ng mga iligal sa kanyang nasasakupan, hindi ‘yung magpalaki ng kanyang tiyan at mantikaan ang kanyang bibig.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.