Malabon, Isusulong ang Anti-Littering Ordinance Para Labanan ang Baha

MAG-IIKOT ANG pamahalaang lungsod ng Malabon upang ipaalam ang anti-littering ordinance kung saan makatutulong sa paglaban sa baha at pagiging malinis ng kapaligiran at mabuting kalusugan.

Bibisitahin ni Vice Mayor Len-Len Oreta ang mga barangay sa Malabon City upang ipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing ordinansa upang matuto ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura.

Nabatid na ang Malabon City ay madalas bahain dahil mababa ang kinalalagyan at maraming bumabarang mga basura sa daluyan ng tubig na nagiging sanhi rin ng pagbaha.

“Kapag natuto tayong magtulungan, mas mapapadali ang atin laban sa basura at baha, iwasan na natin ang pagkakalat, upang makaiwas sa multa, magiging malinis pa ang ating kapaligiran at makakatulong sa ating kalusugan,” ayon pa kay Oreta. (ROMAN MAGPOC/ MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.