Malabon Employees, Tumanggap ng Bonus

MAAGANG TUMANGGAP ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng kanilang bonus para magamit sa kanilang mga gastusin sa papalapit na pasukan ng eskuwela sa utos ni acting Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta lll.

Ayon kay Caridad Soco, officer-in-charge ng City Human Resource Management Development Department (HRMDD), ang 1,468 na kawani ng lungsod ay nakatanggap ng kanilang mga bonus kahapon.

Ang bawa’t isa sa mga empleyado ay nakatanggap ng katumbas ng kalahati ng kanilang suweldo, bukod pa sa nakuhang P2,500 na kalahati naman ng P5,000 cash gift na ibinibigay ng pamahalaang lokal kada-taon.

Inihayag ni Soco na kaagad siyang nakipag-ugnayan sa Treasury at Budget Department ng naturang lungsod matapos iatas ni Oreta ang dagliang pagbibigay ng nasabing bonus sa mga kawani.

“Kaagad kaming na-kipag-ugnayan sa bawa’t isa at mabilis naming naiayos ang payroll list kaya naibigay natin ang bonus kahapon sa ating mga empleyado,” pahayag pa ng hepe ng HRMDD.

Hangad ng butihing umaaktong alkalde na matanggap nang maaga ng mga empleyado ang kanilang bonus para ma-gamit ng mga ito sa pagpapa-enrol at gastusin ng mga anak sa panahon ng eskuwela.

Samantala, iniutos ni Oreta ang mahigpit na koordinasyon ng bawa’t departamento ng lungsod para paghandaan ang school class opening sa unang linggo ng darating na buwan (Hunyo).

Kaugnay pa rin ng paparating na pasukan, pinulong  ni City Administrator Engr. Benjie Villacorta ang school sector at   City Disaster Risk Management  officials para mapaghandaan  ang darating na tag-ulan.

Naging sentro ng talakayan ang paraan ng suspension ng klase na naaayon sa guidelines mula sa Department of Education at ang tinawag na ‘localized’ na paraan ng class suspension mula sa city government.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.