Malabo pa raw
Jake Ejercito, itinangging nagkabalikan sila ni Andi Eigenmann!

LALONG GUMUWAPO pala itong anak ng dating Pres. Joseph Estrada na si Jake Ejercito, huh!

Nakatsikahan ko siya sa pa-lunch ni Papa Erap nu’ng kamakalawa lang at umiiwas pa sanang magpa-interview dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa lovelife niya.

Siyempre, isa siya sa pinagkaguluhan du’n dahil pinag-usapan pa rin ang tungkol sa kanila ni Andi Eigenmann na nagkabalikan daw sila.

Pinabigyan naman ako ni Jake, kaya mapapanood n’yo ang interview ko sa kanya sa Startalk bukas.

Itinanggi naman ni Jake na nagkabalikan sila ni Andi.

Sabi niya, na-maintain naman daw nila ang friendship, pero parang malabo pa raw na magkabalikan sila.

Sa ngayon daw, naka-focus daw siya sa pag-aaral niya dahil isang taon na lang, ga-graduate na siya sa kursong Political Science and Business Management sa London.

Bakasyon pa siya ngayon kaya umuwi muna siya para tulungan sa pangangampanya ang Daddy niya .

Nagpapasalamat nga raw siya kay Andi dahil tinulungan din silang mangampanya at sinamahan sila sa pag-iikot sa ilang bahagi ng Maynila.

Kaya may mga nagkomento raw na kaya siya nakipagbalikan kay Andi para magamit niya ito sa pangangampanya.

In fairness naman kina Jake, hindi naman ganu’n. Dahil ang dami naman nilang kaibigang taga-showbiz na willing tumulong sa kanila, ‘di ba?
Pero sa ngayon, magpapahinga raw muna ang puso niya at mabuting naka-focus daw muna siya sa pag-aaral at sa pangangampanya ng Daddy niya.

“Nagpapahinga ang puso ko ngayon,” napapangiti niyang sabi sa amin.

“Hindi ko na iniintindi ang puso ko ngayon, eh, busy lang talaga ako ngayon. I just want to concentrate on helping my Dad.”

Nagpapasalamat na lang din si Jake kina Jaclyn Jose at Mark Gil dahil pinayagan daw nila itong tulungan sila sa pangangampanya.

Sabi ko nga rito kay Jake, bakit hindi siya mag-artista dahil ang guwapo-guwapo niya na puwede talagang mag-artista.

Dati raw hilig niya talagang mag-artista, pero ngayon hayaan na lang daw muna sa pamangkin niyang si Julian Estrada na sa Star Magic na.

Mabuting tapusin daw muna niya ang pag-aaral at saka hindi naman daw siya marunong umarte, sabi nito.

Tingin ko kasi diyan kay Jake, parang pulitika ang hilig niya kaya laging sumasama ito sa Daddy niya.

 

NAGSIMULA NANG mag-shooting si Lorna Tolentino sa first indie film niyang Burgos, kung saan tumatalakay ito sa kuwento ng ina ng aktibistang si Jonas Burgos na si Mrs. Edita Burgos.

Feel na feel na nga ni Lorna ang role niya dahil nagpaputol na ito ng buhok at pinatanda pa siya. Kaya halos magkamukha na sila ni Mrs. Burgos.

Nasilip ko nga ang picture nila sa shooting, parang pati si Rocco ay naging kamukha na rin ni Jonas Burgos.

Sa totoo lang, parang mas bumagay nga si Lorna sa role kaya siguro sa kanya talaga napunta.

Aalis muna si Lorna pa-Boracay dahil matagal na niyang natanguan ang bakasyon na ito kasama ang ilang kaibigan niya galing Amerika.

Pagbalik niya rito, balik-shooting na rin siya sa Burgos.

Alam ko, gagawing opening film itong Burgos sa Cinemalaya Independent Film Festival sa July.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Malabo pa raw
Jake Ejercito, itinangging nagkabalikan sila ni Andi Eigenmann!

  1. kundi molang kilala parents ni jake sinong mg-aakala nasi erap ang tatay nito kc super gwapo wile ang mga anak ni erap k loi emga chaka….buti nlng c jinggoy medyu gumwapo ngaun kesa dati pero ung jude yaikss!!! ung girl nasi jackie uhmmm cge nanga pwde na and last but not da least eung c jv na anak nyadun da guia na kabit ….un ang pinaka chaka at hawig ni balot….ung mga anak nya k laarni lng ang maganda at gwapo…sbagay maganda nman c laarni malaki ngalang ang ilong…

    • HAHAHA. TISOY NA TISOY DEVAH? KAHIT SI LAARNI, DI NAMAN GANYAN KA-TISAY. ABA, MAGANDA PALANG MAGPALAHI KAY ERAP PERO ANYARE KINA JINGGOY AT JV?

  2. PARANG LIKE KONG MAGSAMA SA ISANG MOVIE ITONG SINA AGUA BENDITA, ALBIE AT JAKE. PARANG KIKITA SYA HA. ANG TITLE – “KALADKARIN” HAHAHAHA. KALOWKAH!

      • AY SA TRU LANG HA. PARA TLGANG KIKITA YAN. PWEDE RING PALITAN ANG TITLE. LIKE REMAKE NG “DULCE AMOR, INA” NI LT. PWEDE RING “DALAGANG INA.” KUNG DI NGA LANG GINAWA NA NI ERICH GONZALES YUNG “KATORSE,” PWEDENG PWEDE ANG TATLO DUN, DI BA? DINA BONNEVIE, GABBY CONCEPCION AT ALFIE ANIDO NOON. NGAYON, SINA ANDI, JAKE AT ALBIE NA. HAHAHA. MOTHER LILY, ARE U LISTENING?

Leave a Reply

Your email address will not be published.