Makati, Pabor sa Hatian sa Kita ng Fort Bonifacio; Taguig, Dumistansya

PABOR ANG Makati City sa revenue sharing sa Fort Bonifacio.

Ayon kay Makati Mayor Junjun Binay, ito ay sa kabila ng desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagsasabing pagmamay-ari ng kanilang lungsod ang Fort Bonifacio na sumasakop sa na Bonifacio Global City (BGC).

Katuwiran niya, gusto rin ng Makati na tulungan ang Taguig City sa gitna ng mainit na diskusyon sa pag-aagawan sa lugar kung saan nakikisali rin ang Pateros.

Nagpasalamat pero dumistansya naman sa nasabing alok si Taguig Mayor Lani Cayetano sa pagsasabing mahabang pag-aaral ang kakailanganin sa isyu.

Una na ring nanawagan si Cayetano kay Binay na maghinay-hinay sa mga pahayag dahil matinding kalituhan ang idinudulot nito sa mga residente.

Pareho namang itinanggi ng dalawang alkalde na masama ang kanilang loob sa isa’t isa.

Samantala, wala ani-lang personalan sa natu-rang isyu ng Fort Bonifacio, bagkus ay iniisip lamang nila ang kani-kanilang nasasakupan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.