Makaraan ang lindol, ulan naman search operation, tigil muna

DAHIL SA sama ng panahon kahapon, nagdesisyon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRMMC) na pansamantalang itigil muna ang kanilang search and retrieval operation sa mga lugar na nilindol sa Negros Oriental.

Ayon kay NDRRMC Director Benito Ramos, lubhang mapanganib kung ipagpapatuloy ang operasyon na mauwi sa kapahamakan dahil sa sama ng panahon.

Una nang iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa bisinidad na ng Hinatuan City ang low pressure area na makakaapekto sa Silangan Luzon, Central Visayas at Mindanao kasama ang Negros Oriental kahapon.

Dagdag ni Ramos, may posibilidad ng landslide lalo na sa mga apektadong lugar gaya ng Brgy. Planas sa Guilhulngan.

Gayunman, tiniyak ni Ramos na sakaling gumanda na ang panahon ay itutuloy nila ang kanilang operasyon.

Samantala, as of 12:00 noon kahapon, 41 ang kumpirmadong nasawi sa lindol at landslide, 64 ang nawawala.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.