Makaraan ang 6 na buwang pagkakabihag Paslit na anak ng kapitana, laya na

MAKARAAN ANG ANIM na buwang pagkakabihag, laya na ang anak na lalaki ng isang kapitana kahapon ng madaling- araw.

Sa ulat ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, alas-2:40 ng madaling-araw nang palayain ng kanyang abductor si Randel Patiliona Talania, 9 anyos, sa Bgy.Dalangin, Titay, Zamboanga Sibugay.

Si Talania na anak ni Namnama Brgy. Chairwoman Rosemarie Patilona Talania ay dinukot noong March 9, 2011 habang papauwi galing Titay Elementary School.

Inamin ni  Directorate for Integrated Police Operation Western Mindanao (DIPO-WM) chief Director Felicisimo Khu na hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung magkano o kung may ransom na ibinayad ang pamilya kapalit sa kalayaan ng bata.

Makaraang ipasuri ang kalusugan ay inuwi na ng pamilya Talania ang pinalayang kidnap victim.

Una nang napaulat na P20 million ransom ang hinihingi ng mga kidnappers kapalit sa kalayaan ng bihag. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.