Makapal ang mukha – to the max!

PAGDATING SA PAKAPALAN ng mukha, sertipikadong wala nang kakapal pa kay PO1 Romeo Concepcion. Kapag binaril mo siguro ng kalibre 45 ang mukha ng taong ito, ang bala ay tatalbog lang sa sobrang saksakan ng kapal nito.

Noong June 8, nakipagkita si Rose (‘di niya tunay na pangalan) kay Concepcion dahil mayroon daw itong ibinibentang motor.

Matapos mabili ni Rose sa halagang 20 thousand pesos ang ibinibentang motor, agad siyang pumunta sa LTO para ipalipat sa kanyang pangalan ang rehistro. Ngunit la-king gulat niya nang pagsabihan siya sa LTO na peke ang O.R. at C.R. na hawak niya.

At nang tawagan ni Rose si Concepcion para i-paalam dito ang kanyang nadiskubre, sinabihan siya ng pulis na mag-ingat na lang at umiwas sa mga checkpoint kapag minamaneho ang motor dahil peke nga talaga ang mga papeles nito.

Halos gumuho ang mundo ni Rose nang marinig niya ang pag-amin mismo ni Concepcion na peke ang mga papeles na ibinigay sa kanya. Pero ang pinakamasaklap sa lahat ay nang sabihin ni Rose kay Concepcion na gusto niyang ibalik ang motor at mabawi ang kanyang pera, katakut-takot na mura ang inabot niya sa balasubas na pulis. Doon na nagsimula ang kalbaryo ni Rose.

Makailang beses sa isang araw na itini-text ni Concepcion si Rose at tinatakot na babaliktarin siya at palalabasin na kinarnap niya ang motor at ipahuhuli siya sa mga kabaro nito.

Ilan sa mga text messages ni Concepcion kay Rose ay hindi puwedeng maipinta rito – hindi papayagan ng editor ng Pinoy Parazzi na mai-print sa espasyong ito dahil sa sobra nang pagkabastos at laswa.

Pero isa sa mga text message ni Concepcion kay Rose na puwedeng mabigyan ng espasyo rito ay ang sumusunod, “Gago pala kayo, peke ang hawak ninyo. Kahit si Jose Rizal puwede ninyong pagawan ng O.R. C.R. Mga bobo kayo. Padampot ko pa kayo sa mga pulis. Mga tanga!”

Sa halip na mahiya at matakot sa kanyang ginawang kawalanghiyaan, si Concepcion pa ang may tapang na pagmumurahin ang kanyang biktima at takutin. Dahil dito, dumulog na si Rose sa ITIMBRE MO KAY TULFO (IMKT) – isang segment sa newscast na Balitaang Tapat sa TV5, Monday to Friday, 11:30 am – 12:15 pm.

Napag-alaman ng IMKT na itong si Concepcion pala ay dating nakadestino sa Manila Police District Station 5 at nasibak doon dahil sa kasong robbery at extortion. Sa kasalukuyan, siya ay nakalagak sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng NCRPO sa Bicutan.

Siya ay pansamantalang nakalagak ngayon sa RPHAU habang nililitis ang kanyang mga kaso sa MPD. Nangako ang NCRPO sa IMKT na pabibilisin nila ang paglilitis sa panibagong kaso ni Concepcion para sa agarang pagkaka-dismiss sa serbisyo ng walanghiyang ito.

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay napapakinggan din sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2:00-4:00 pm sa programang WANTED SA RADYO (WSR). Kasabay na napapanood din ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41.

Napapanood din ang inyong SHOOTING RANGE sa programang WANTED sa TV5 tuwing Biyernes pagka-tapos ng Aksyon Journalismo (late night news).

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Makapal ang mukha – to the max!

  1. Gud pm Mr. Tulfo hihingi po kami sa inyo ng tulong mag asawa tungkol sa wire ng meralco namin at sa nag iisang daanan namin na nilagyan pa ng gate para hindi kami makadaan. noong june 24 nagkaroon po kami ng dipagkakaunawaan ng katabing bahay na kapatid ko na kada mag aaway kami mag kapatid itong tiyahin namin na si tita henia toledo ay susugod din sa amin kinakampihan ang kapatid di muna alamin ang problema bigla nalang sasabihan ang asawa ko na sampid,lumayas ka at mamatay kana sa sarili namin pamamahay nag pa barangay kami at noong june 27 ay nagharap na po kami sa barangay at nagkapirmahan na ayos na po ang lahat sa amin pero bigla nalang po kaming nagulat noong july 18 bandang 11:30 ng tanghali nawalan po kami ng kuryente akala po namin brown ou lang ng lumabas ako ng bahay para magtanong sa kapit bahay sinabi na may ilaw naman tinignan ko po sa labasan ang metro ng meralco namin kung ano ang nangyari dahil po luuban pa ang aming bahay nanduon pala ang mag asawang toledo at pinuputol na po ang wire namin papunta sa bahay po namin kinausap ko po si tita henia na nag kaayos na po kami sa barangay nag ka pirmahan pa po ang sabi niya wala daw po siyang pinipirmahan nagreport po kami sa barangay na bakt po nagkaganun nagkaayusan na po kami noong june 27 pinuntahan po ng barangay ang tiyahin namin para kausapin 2 oras po nilang kinausap ang tiyahin namin at sinabi po sa amin na wala daw po silang magagawa habng kinakausap po ng baangay ang tiyahin namin sinisimulan na rin pala ng asawa nito na lagyan ng gate ang nag iisang daanan sa aming lugar habang nasa barangay pa rin kami mag asawa at bumalik nga po sila sa pakikipag usap sa tiyahin ko ang sabi lang po nila ay wala na kaming magagawa ayaw pumayag ng tiyahin ninyo ibalik ang wire na tinanggal nila kamag anak po kasi ni mrs.toledo ang kapitan ng barangay namin sinabi pa po namin sa barangay na may right of way yan na binigay ng sta lucea sa nanay ko dahil nasa dulo po ang aming bahay patay na po ang mga magulang ko ulilang lubus na po ako ang sabi ng barangay walang bisa na yung right of way na iyon dahil patay na ang nanay mo na binigyan nito may kopya pokami nito at naka sulat duon na kung sino man ang titira sa lupaing iyon mga anak o maibenta man ito ay may karapatan na gamitin ang right of way na iyon. Mr. tulfo luuban po ang lugar namin at binabaha pa po lalo ngayon tag ulan ayon lang po ang tamang daanan na madadaanan namin lalo na ngaun binabaha ang lugar namin at ang wire po namin ay inireport na namin sa meralco ang sabi po nila di nila na sagot iyon dahil hindi sa mismong wire ng meralco nila pinutol kundi sa wire na papasok sa papuntang bahay ninyo.Mr. Raffy tulfo sana po matulungan po ninyo kami mag asawa sa problema namin hindi lang po kami ang nakatira sa dulo meron din barong barong na paupahan na nahihirpan din po sa daanan na isinarado ng mag asawang toledo na di kayang aksyunan ng barangay namin dahil sa kamag anak ng kapitan si Mrs. Toledo sana po matulungan ninyo kami na maipaglaban ang karapatan namin na naiwan ng magulang ko na right of way na hindi po masama ng magulang ko sa hukay na mawalan ng bisa dahil sa patay na po sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.