Makabagong Bayanihan Para sa Kalikasan, Sinuportahan ni Tiangco at Oreta

MAHIGIT SA isang libong volunteers sa pangunguna nina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Malabon Acting Mayor Len-Len Oreta ang naglinis kahapon ng umaga para sa “Makabagong Bayanihan Para sa Kalikasan” ng MBC-DZRH.

Tatlumpung truck ng basura ang nakuha mula sa baybayin ng Wawa St., Barangay Tangos, Navotas City sa tulong na rin ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pa.

Parehong masigasig ang dalawang punong lungsod sa pagsusulong ng kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura upang mabawasan at tuluyan ng mabawasanang pagbaha. Sa katanuyan, ang aktibidad na ito ay parte na ng kanilang regular na programang pang-kalinisan.

“Ang proyektong ito ay parte rin ng regular clean-up drive ng lungsod na Navotas Ko, Love Ko Lingap sa Kapiligiran Program. Sinimulan po ito noong Setyembre ng nakaraangtaon at regular ng isinagawa dalawang beses kada buwan sa iba’t ibang parte ng lungsod,” ani pa ni Tiangco.

Layunin ng programa na linisin ang kalye, kanal, ilog at dagat sa Navotas at imulat o sanayin ang mga tao sa tamang solid at liquid waste management upang ibalik ang natural na ganda ng lungsod.

Paalala pa nito sa kabataan, “Simulan po natin sa ating mga sarili ang disiplina sa pagtatapon ng basura at kung may makita po tayo maski mas matanda sa atin na nagtatapon sa daan ay sabihan po natin ang mga ito.”

Dagdag naman ni Mayor Oreta, “Kung tulung-tulong po tayo at patuloy ang pagkilos, pakikiisa ng bawat mamamayan ay walang imposible.”

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.