Makabagong Assets na Binili ng Gobyerno, Ikinatuwa ng PAF

IKINATUWA NG pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino III hinggil sa hakbang ng pamahalaan na bumili ng mga makabago at modernong air assets kung saan papalitan na ang mga lumang aircraft nito.

Sinabi ni PAF Commanding General Lt. Gen. Lauro Catalino dela Cruz na malaking tulong ang mga modernong air assets sa misyon ng Air Force na protektahan at idepensa ang teritoryo ng bansa laban sa mga gustong sakupin ito, kasama ang relief operations at disaster response.

Sa pagdating ng mga makabago at modernong kagamitan mas lalo pang pag-iibayuhin ng PAF ang kanilang serbisyo sa publiko.

Ayon kay Dela Cruz, gagawin ng PAF ang lahat upang protektahan ang teritoryo ng bansa mula sa mga gustong sumakop nito.

Nilinaw naman ni Air Force spokesperson Col. Miguel Okol, ang programa ngayon ng PAF ay ang tinatawag na total territorial defense ng bansa partikular para maprotektahan ang mga likas na yaman, kasama rin ang posibleng incursion.

Samantala, inihayag pa ni Okol na synchronized ang pag-aangkat ng pamahalaan ng mga air assets hindi lamang sa Air Force kasama na rin dito ang Philippine Navy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.