Maka-papel lang kay Manny Pacquiao Lito Camo, nandadamay ng ibang tao!

NAKU, ‘DAY! MAY panibagong kaaway na naman ba ako?

Kasi naman, bakit ako ang dinadamay diyan sa paglalabas ng mga litrato ng binyag ng sinasabing anak daw ni Manny Pacquiao sa ibang babae.

Napanood n’yo naman siguro sa Showbiz Central ‘yung interview du’n sa babaeng naanakan daw ni Manny at pinabinyagan nu’ng September 17.

Pinabulaanan nu’ng babaeng ‘yun, na Kay Ordoñez ang name, ang balitang si Manny ang ama. Ninong lang daw si Manny sa binyagang ‘yun dahil dating assistant daw ng ating Pambansang Kamao ang tatay nu’ng bata.

Nagulat na lang ako nang tinawagan ako ni Redgie Magno at tinanong kung totoong may hawak daw ako ng birth certificate nu’ng bata at sa akin daw nanggaling ‘yung mga litratong lumabas sa diyaryo.

Ang nagsumbong daw kay Manny na sa akin ‘yung mga ‘yun, itong si Lito Camo na isa yata sa nakikisipsip kay Manny.

Nakakaloka! Paano naman ako magkaroon nu’n? At bakit ako naman ang itinuturo ni Lito? Gaano siya ka-sure na sa akin nga ‘yun?

Nililigaw lang ba niya ang isyu dahil nandu’n siya sa binyagan? Baka mamaya siya pa ang pagbintangan na nagkalat ng litrato, ako ang tinuturo ngayon.

Nalaman ko na lang bandang huli na sinasabi raw nitong Lito na inutusan daw ako ni Willie Revillame na siraan si Manny dahil magkatapat sila ng programa, ang Wil Time Bigtime at ang Manny, Many Prizes ni Pacman.

Ganu’n kababaw? Bakit ko naman gagawin ‘yun? Bakit naman ako magpapagamit kay Willie kung sakali? Ang sa akin lang naman makaharbat, tapos na!

Kung totoong ako nga ang may hawak nu’ng mga litratong ‘yun at ang birth certificate ng bata, bakit ko pa idadaan sa diyaryo.

Eh, ‘di binenta ko na lang kay Manny o kay Jinkee para makaharbat na ako ng Hermes bag!

Pero hindi ko gagawin ‘yun kasi mabait sa akin ang mag-asawa at wala akong galit kay Manny.

Bakit ko naman gagawin ‘yun?

Itong si Lito, nandadamay ng ibang tao para lang maka-papel kay Manny, ha!

Tingin ko diyan, naiingit sa closeness ng mga alaga kong sina Paolo Contis at Benjie Paras kay Manny kaya ako ang tinira dahil ako nga ang manager.

Ano ang pakialam ko sa gulong iyan?

Idinamay pa nito si Willie na hindi man lang niya naisip na may utang na loob din siya sa TV host na ito.

Nakakadiri, ha! Bakit nadamay na naman ako sa intrigang iyan?

Siguro hintayin na lang natin ang statement ni Manny kaugnay rito at abangan na lang natin si Jinkee kung totoong hindi na raw siya tutuloy sa Amerika para sumuporta sa asawa niya.

Bakit ba tuwing may laban si Manny, lagi na lang may lumalabas na ganu’ng intriga?

Sana maging masaya na lang tayo at heto nga makikipaglaban na naman para sa ating bansa.

Hay, naku!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

32 thoughts on “Maka-papel lang kay Manny Pacquiao Lito Camo, nandadamay ng ibang tao!

  1. itong si bangis, walang alam na itapat sa HYY kundi ung Eat Bulaga eh alam naman ng lahat na institution na yun. Magisip ka naman ng bago.

  2. May nag post sa pep.com sa link kung saan makita yong picture ni Kat Ordonez at ito ang link at i google search nyo lang. KAT ORDONEZ M. PACMAN BABY ESPIYA.

  3. BTW, ANG PANGIT NUNG LATEST SINGLE NI WILMANIAC YUNG “KENDENG-KENDENG”…….KAHIT REPEATER NA GRADE 1 AY KAYA GAWIN YUNG LYRICS NA YUN EH………….HAHAHAHAHAHA

  4. OO AAMININ KO, TAGA LOOB AKO AT MYEMBRO AKO DATI NG ARCHER PRODUCTIONS…….HAHAHAHAHA………..AKALA KO KASI TAE ANG NICKNAME MO………HAHAHAHAHAHA

  5. naku itong si lolit kung makapg react kala mo kung sinong santa. e siya naman ang reyna ng filmfest scam. balahura ang babaeng yan. di dapat irespeto,. mukhang pera yang amoy lupang matandang yan. basta pagkakaperahan magaling siya. dati tinitira si willie dahil may daya daw sa wowowee. eh siya nga rin mandaraya. pareho lang sila. ulul yang si olita.

  6. @ Chaka, dahil kay Lito , sumikat ang show ni Willie, si Lito ang composer ng Wowowee theme at iba pang mga gold records na kanta ni Willie, wag nyo ilihis ang issue, umamin na kasi si manny at maging proud sa mga anak nya kung sakaling meron sya sa ibang babae, dapat na rin magising si jinkee sa katotohanan na hindi perfect ang marriage nya.

  7. between Lito and Lolit, sino ang mas credible? narinig ba nya at nasiguro na sinabi ni Lito kay manny ang tungkol sa mga photos at birth certificate? As for manny and jinkee, yan ang napapala nyo kasi masyado na kayong showbiz , you are cheapening your life and image by being with people like lolit , di nyo alam karamihan sa mga kaibigan nyo ay pera lng ang habol sa inyo. if i were you, i will live quietly and enjoy the fruit of my labors. do charity works and enjoy time with my family, travel all over the world.

  8. Agree, baka nga tauhan itong si Shebie sa isa sa mga network. Let me guess GMA7? kasi yong idol nyang si Marianita ay taga GMA. At napaka well informed ni Shebie sa mga news sa artista. At salamat pala sa answer Shebs.

  9. ppr jjinky pareto ng paretoke kay vicky kirat belo akala nya mapipigil nya si pacman tumikim ng ibang keps eh ayan may kumakalat ng balita na bininyagan na ang bata kahit dinedeny ng babae sa SC walng naniiniwala halata na scripted sinasabi wawa si jinky may kapatid sa labas mga anak nya ilan kaya ito? at maraming kaparte sa pera ni pacman.

  10. Shebie, thanks. Like I said, hindi ako masyadong familiar pero grandma knows a little of it. Si Rocky Gutierrez kasama rin ? Ang sama talaga ni Lolit. Anyway, shebie, saan mo nakukuha ang mga info mo. You seem to be well informed. Taga loob ka ng isa sa mga network ano. You probably work for one of them. Aminin . . . .

  11. Another off-topic na naman ito, may nag post na ang NAIA ay voted na the worst airport in the world, totoo ba ito? Saan ba galing ang survey na ito? May nag comment din na yong show daw ni Richard G. daw na survivor ay hindi na inirenew sa franchise dahil lumabag daw ito sa rules and regulations kaya hindi na ito i renew ng international franchise owner. Totoo ba rin ito?

  12. Oh my gosh ang samang mga tao pala nila, salamat sa info mga ka pepster, bakit nag suicide yong ex beauty queen, kaya pala si Gabby hindi na masyadong sikat ng bumalik na dito maski bongacious ang ginawang welcome sa kanya ng ABS at pati si Ruffa rin naging laosyan deep na. Nanga karma na sa mga masamang gawain, si Nanette Medved ano nang nangyayari sa kanya, di ba siya yong may pagka pucker lips din? or silicone injected lips ba rin yon. At si Lolita pala ang mastermind, may nabilanggo ba sa kanila, what was the punishment or maybe nakaiwas lahat dahil magaling ang kapit sa itaas para hindi bumagsak, Nauseated!!!!!

  13. TAE, THAT’S THE “TAKE IT TAKE IT” MANILA FILM FEST SCAM 1994 YUN. THE BEAUTY QUEEN WAS VIVEKA BABAJEE (RIP) OF MAURITIUS. KASAMA DIN DYAN SI GABBY, RUFFA, ROCKY GUTIERREZ AND NANETTE MEDVED.

  14. @Maria, That was the FAMAS scam, where Ruffa, Gabby C. and one LAtina beauty queen (who committed suicide) were involved and of course engineered by Manay Lolit. Kaya nag migrate si Gabby sa US dahil sa kahihiyan.

  15. Maria, not sure what the scam is. I’m not there and not familiar. The only thing that my grandma remembers is that it has something to do with Ruffa Gutierrez where Lolit and some beauty queen from a South American country conspired to make sure Ruffa wins the award (again not sure what it is ) for a fee. They were paid to do this. My grandma is in her late seventies but her memory is still reliable.

  16. @ englandrose, taga england ka nga kasi gumamit ka ng bloody. My father-in-law was born and raised in England and he emigrated to the US and met my mom-in-law and even now my father-in-law still says bloody when he talks and he said to-ma-to, in the us, americans say it with to-may-to. Bloody womanizer is funny!!!!!

  17. hahahaha ginamit na naman si willy kasi nga 2%lang ang hyy samantalang ang eat bulaga ay almost 30% pareho ni john estrada dba lito camo?ano ba iyan ndi na natapos ang dapat nilang siraan ay eat bulaga kasi iyon ang katapat nila,pero palibhasa ndi nila kayang pataubin ang eb o kaya naman tsugihin na apar ndi malugi ang abs,pati nga doon sa amoranto puro taga kanila ang naninira din hayyy….kahit sinong ilagay ninyo dyan sa hyy olat pa rin or walley…m2log na lang kyo…

  18. ANG CHEAP NITONG ISSUE NA ITO……..ANG DAMI DING CHEAP NA THEORIES AT HAKA-HAKA…………BASTA MANNY MANALO KA SA LABAN MO KAY MARQUEZ…….GO MANNY!!!!!!!!!!!

  19. @ka ris ma, thank you, alam mo ba ang estorya ng scam na yon? Hindi ko alam yon kasi wala na ako sa Pinas noon. Thank you. I agree na siniraan nila si Lito dahil may gap sina Lito at Willie. Yong mga kanta ni Lito talagang masayahin at maganda na pagka compose, maski sino ang kumanta doon ay manalo talaga ng award at mabili talaga yon dahil masang masang dating. E kung si Willie na hindi naman talaga singer ang boses nabenta nga, ano na lang kaya ang result kung kinanta talaga yon ng real singer.

  20. @laikabaito1227, agree with you and i like the comment “parang langaw kung sino ang may pera doon sya”. Nakakasuka ang babaeng ito, mayroon pa bang maniwala nito nasangkot na nga sa scam, umamin ba ito na siya ang parang may utak doon? Siya ba ang may utak doon? Ano ba talaga ang estorya sa scam na yon, can anyone share it to me please? thank you. Bakit hindi nabilanggo ito? Dahil ba malakas ang mga kapit nito?

  21. Maria, tama lahat ng sinabi mo. Lolit, harbat queen, sino ang maniniwala sa iyo ? Kung saan ang para at paambon, sigurado, doon ka. Magaling si Lito Camo. Hindi si Willie ang nagpasikat sa kanya. Nabayaran ka ni Willie, mukhang pera ka !

  22. Wala naman credibility si Lolit, who cares kung magalit sya. e ganon din naman sya para syang langaw kung sino ang may pera doon sya. Dati si Willie lagi ang tinitira lolit pero ngayon pinagtatanggol niya pa dahil nababayaran sya ni Willie. pathetic itong si Lolit, pinakasinungaling na matanda na showbiz host.

  23. ———- ito ha…feeling ko ha….ang nagpakalat tlga nyang mga picture eh yung sinasabing kat ordonez…siguro anak tlga ni manny yan at gusto na siguro nung kat ordonez na malaman na ng tao ang totoo at ng sa ganun sumikat din sya katulad ni mareng jinkee……blinablack mail nya ang mga taong bisita sa binyag at si manny….sa pananalita pa lang ng babaing yan mukha ng user…kaya galit tlga si jinkee…matagal ng alam ni jinkee yan wala lang tlga syang proof kaya nagsabi sya na magbibigay sya ng hermes…YUNG KAT ORDONEZ ANG NAGPAKALAT NG MGA PICTURE..KUNG TLGANG AYAW NYANG MALAMAN NG MGA TSISMOSA DAPAT DI SYA NAGPA BINYAG SA FAMOUS HOTEL..YUN NAH!!!

  24. halatang guilty si Lolit at super defensive. takot kasing magalit sa kanya si Manny at Jinkee at mawawalan sya ng haharabatin. lalabas din ang totoo at mas mainam manahimik ka na Lolit kasi wala ka naman credibility, mas naniniwala kami kay Lito Camo kesa sa iyo.

  25. uy. May macau trip na naman yan. BAYAD ni WILLIE para sirain si lito kasi ginawan ng kanta si randy john at rico ng kanta na nasa dos na galit si willie. haaaay ang tao nga naman. ROOTS OF ALL EVILS!!!!!

  26. At dahil din sa mga kanta ni Lito sumikat ang mga album ni Willie kasi fun talaga ang mga composition na kanta ni Lito at alam naman natin na hindi talaga pang singer ang boses ni idol willie pero dahil masayahin yong mga composition ni Lito, okay na rin ang kalabasan, ganyan lang talaga yan sa business, gamitan. At Lolit baka ikaw na ang tinuturo ng ibang tao kasi nasangkot ka na kasi sa scam noon sa filmfest, siguro wala nag tiwala ang mga tao sa iyo, plus ong bunganga mo masakit pakinggan, kaya iyon nasangkot ka na sa ibat ibang kontrobersya at wala kang karapatan magalit kasi yon din ang mga ginagawa mo sa ibang mga artista, karma lang yan. At saka gossip reporter ka hindi ka news anchor kaya pagtiyagaan mo na lang ang ibang tao kasi pareho ka naman sa kanila.

  27. @Lito Camo – wala na kasi siyan madikitan na bigtime Willie kaya pumapapel kay Manny. Giling-giling na kasi ang career niya,kung ako sa kanya manahimik na lang siya at magtambay sa yeeehee ypeee ba iyon..ah basta…Lito Camooot

Leave a Reply

Your email address will not be published.