Major Major Kapamilya na!

WALANG DUDA NA Kapamilya na si Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj, kasama pa ang Bb. Pilipinas pageant, kaya naman major major ang pagtanggap ng mga big bosses kay Venus and company he-he-he. Marami ang nagtatanong kung bakit pinakawalan ng GMA-7 ang kontrobersiyal na beauty queen samantalang napabalita na noon ang pagtatampok daw kay Venus bilang isa sa magiging new female host ng Unang Hirit?

Naudlot man ang pagiging kapuso ni Venus eh, sure na magiging masaya ang kanyang pag-enter frame sa bakuran ng Dos. Wait na lang natin ang mga next projects ng hitad sa kanyang new found home kung meron man, he-he… echos! Si Coco Martin naman ang pinapangarap niyang maka-partner. Hmmm… ‘di kaya mahirapan ang lola n’yo if ever na magkaroon sila ng kissing scene ni Papa Coco? Alam n’yo na kung bakit, huwag nang pag-isipan pa, ching!

Photos by: Mark Atienza, Fernan Sucalit and Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.