Maja Salvador, umaming minahal si Carlo Aquino by Eddie Littlefield

TAOS-PUSO ANG pasasalamat ni Maja Salvador na napasama siya sa cast ng May Bukas Pa ni Santino. Nanumbalik uli ang sigla ng kanyang showbiz career, kaliwa’t kanan ang kanyang commerical endorsements sa tulong ni Bro.

“Iba ‘yung impact ng mga tao kay Santino, iba ‘yung pagtanggap. Ang dami talagang naniniwala kay Santino lalo na ‘yung linya niya, ‘Sabi nga ni Bro, magtiwala ka lang….’ Matindi ang dating sa mga tao, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa, maraming naniniwala sa show na ito. Hindi niya tayo pinababayaan, hindi lang sa show namin, maging sa personal nating buhay. At saka, ‘yung blessing na ibinibigay sa akin ni Bro, panalong-panalo,” pagmamalaking wika ng dalaga.

Kuwento ni Maja, “Ngayon nga, maganda na ang takbo ng aming pamumuhay. Nabibili ko ang mga pangangilangan ng pamilya ko. Naisama ko na rin sila sa States at ipinasyal ko sila. Ang sarap ng feeling kapag nakikita mong happy ang family mo, nakakawala ng pagod. Sila naman kasi ang priority ko, kaya ako nagsisikap para mabigyan sila ng magandang buhay.”

Sa tulong ni Bro, may bagong teleseryeng gagawin si Maja na siya ang bida. “Nakaka-pressure, nakakakaba dahil mahirap gumawa ng soap na ikaw ang bida. Hindi ko lang alam kung pang-hapon or pang-primetime. Makakasama ko sina Jason Abalos, Coco Martin at Alessandra de Rossi. Maganda ‘yung istorya, iba ‘yung mga character namin dito, panalo talaga! Ibang Maja ang mapapanood ninyo na palaban, grabeng magmahal na gagawin ang lahat maging happy lang ‘yung family niya,” excited na kuwento ni Maja.

Kumusta na kayo ni Carlo? “May communication naman kami pero hindi na ganoon tulad ng dati. Nagte- text, tawag, dahil pareho naman kaming busy sa trabaho. At saka, hindi ko na nabibigyan ng oras, ganu’n. Hindi talaga puwedeng pagsabayin lalo pa ngayong magsisimula na kaming mag-taping ng bago kong soap. Nag-uusap naman kami, in fairness sa kanya, naiintindihan naman niya dahil artista rin siya.”

Hindi ipinagkaila ni Maja hanggang ngayon may pitak pa rin sa puso niya si Carlo. “Oo naman, minahal… importanteng tao naman si Carlo sa akin. ‘Yung relationship naman namin, ‘yung nand’yan siya, text me or call me. Kung sakaling manligaw siya ng iba, okey lang. Wala naman kaming relasyon, wala naman kaming commitment sa isa’t isa so, bakit naman ako tututol. Kung mangyayari ‘yun, kasalanan ko, wala na tayong magagawa. Kasalanan ko, if ever dumating ‘yung panahon na ready na ako tapos wala na siya,” pahayag ng youngstar.

Ibig kayang sabihin ni Maja nawawala na ‘yung communication nila ni Carlo?“Yeah, siguro three months na ngayon na hindi siya pumapasyal sa bahay. Siyempre, nalulungkot ako pero wala tayong magagawa. ‘Yun nga kasi, kailangan kong unahin ang trabaho ko. Sabi ko nga, siguro ‘yung manliligaw kaya nauudlot ‘yung panliligaw nila ay dahil sa dami ng trabaho ko. Kapag mayroon ka namang free time, ‘yung oras mo naman para sa family mo. Hindi naman puwede kung mag-i-invite sila, isasama mo ‘yung family mo. Siyempre, ‘yung manliligaw mo gusto naman nilang kayong dalawa lang para may moment kayo together,” sambit niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Maja Salvador, umaming minahal si Carlo Aquino by Eddie Littlefield

  1. ai….bat fganyan kau nag aaway away dahil lng sa iisang idol ntin…..bxta aq like qng mag team love ulit c coco martin at maja …..mga chaka kau …..wag nlng kaung mag mention……..mag sitigil kau!!!!!!!!!!!!!!!!!!!iisa lng masisraan dyn ang idol ntin…….ok

  2. I don’t like rayver for maja…magaling si maja when it comes to acting but rayver??sa dancing lang siya magaling…

    sorry for rayver’s fans…

    JASON is the best for MAJA when it comes to acting,they have a really good chemistry…proven lang yan,,dahil i’ve watched the ENDO of jason and he nailed it!!galing niya umarte,very natural….

    TNX ABS FOR BRINGING BACK MAJAYS!!!

  3. galing talaga ni maja!

    sana naman si rayver ang kasama.
    bigyan naman ng break yung loveteam nila! ssi rayver and pinakabagay kay maja!

    ABS CBN! bigyan niyo naman ng chance ang loveteam ni maja at rayver na magkaroon ng sarilin teleserye. they are so good sa MBP at sobrang ganda ng chemistry nila togther!

    please ABS CBN!

    • ikaw ang mukhang chakka.. hahaha pang8 ng pasok moh!! at saka wag mo mabanggit-banggit hindi marunong umarte si rayver cruz kasi kung hindi mo alam isa si rayver cruz na magaling umarte sa MAY BUKAS PA!!

    • ang sama mo naman magsalita nyaherr. hindi mo ba napapanood si rayver sa MBP?
      ang galing kaya nila mag acting ni maja.

      at kung fan ka ni maja wag mo naman siraan yung loveteam niya. i’m sure ayaw niya na may masama siyang fan.

  4. im so happy for you maja!!!! congrats .. .. ..
    pero bakit naman hindi si maja at rayver ang magkasama dito?? matagal na dapat sila may teleserye kaso laging nauudlot! maraming naghihintay na matuloy pero ni hindi niyo pinagbigyan ang sumosupporta kila maja ta rayver. grabi nakaka-disappoint kayo. hindi niyo man lang bigyan ng malaking big break ang luvteam nila maja ta rayver. pano naman yun umaasa sa teleserye nila simula pa nung magkaluvteam sila sa spirit hindi kami bumitiw hanngang ngayon. hindi nyo man lang iniisip ang mararamdaman ng mga marays! MARAYs!! lagi niyo kami pinagdadamutan sa MAY BUKAS PA kasama nga sila sa palabas na yun pero hindi naman sila masyado pinapakita dun. kapiraso nga lang ata yun mga eksena nila dun eh. ang tagal-tagal namin naghintay na sana magkaron ng show sila maja at rayver pero hindi niyo kami pinagbigyan.

  5. Hahahaha ilusyonada talaga mga fans ni Rayver! Mas magaling naman di hamak sina Jason at Coco kesa dyan sa lalaking yan haha mga ilusyonadang bakla!

  6. oo nga!! bakit hindi si rayver cruz ang ipapartner sa darating niyang teleserye? nakaasar :( kanino ba ipapareha si maja? maja-jason? maja-coco? for me mas bagay si rayver para kay maja! !

  7. congrats maja!

    pero bakit ganun? kaka balik lang ng loveteam ni maja & rayver tapos mawawala na agad? bakit ganun?
    give more projects to maja & rayver. they look so good together.

  8. Ito na hinihintay ng mga sumosuporta kay Maja Salvador. Drama princess na naman ang dating!! Pero bakit hindi si Rayver Cruz ang makakaluvteam niya sa teleserye niya??????? Maraming umaasa sa maja-rayver luvteam. Nakakalungkot naman kung magkakahiwalay na sila at hindi na sila magkakasama sa teleserye na ito.

  9. wow. ang ganda naman ng career ni maja! :D
    congrats! :)

    sana magkaroon ng sariling teleserye si rayver at maja.
    bagay na bagay sila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.