Maja Salvador, sinorpesa ni Janice de Belen sa premiere ng pelikula

Janice-de-Belen-Maja-SalvadorNAGKITA SA premiere night ng pelikulang You’re Still The One kamakailan sina Janice de Belen at Maja Salvador. Mahigpit ang naging yakapan nilang dalawa.

“Ayoko nang pag-usapan ‘yon,” sabi ni Janice nang matanong tungkol sa isyung siya ang naging dahilan ng hiwalayan nina Maja at Gerlad Anderson.

“I’m here to support Maja at ang buong cast ng pelikula. Kaya tapusin na natin ‘yong isyu na ‘yan.

Si Maja, na-surpsie daw sa pagpunta ni Janice?

“Na-surprise talaga ako,” aniya. “Tinext ko siya kanina, e. Sabi ko… mom (tawag niya kay Janice)! Tapos sabi niya… surprise!”

Natutuwa rin daw siya na full support para sa kanya ang mga co-stars niya sa Bridges Of Love na sina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Antoinette Taus.

“Thank you! Thank you!” sabay ngiti niya. “Sobrang masuwerte ako na… may mga kaibigan talaga ako na tulad nila.

“Salamat sa pagpunta! Sinurprise nila ako.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKris Aquino, korning komedyante ang bagong co-host sa morning show
Next articleJudy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tikom ang bibig sa ‘pagbubuntis’

No posts to display