Maja Salvador, sinisisi sa paglamlam ng career ni Gerald Anderson

SOBRANG NALULUNGKOT at ‘di maiwasang masaktan ng mahusay na aktres na si Maja Salvador dahil na rin sa tsikang siya ang dahilan kung bakit biglang lumamlam ang career ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Marami kasi ang nakapansin na nang madikit ito at makarelasyon ni Gerald ay biglang nalaos ang prime actor ng ABS-CBN.

Kung ilang buwan din kasing nakatengga ang actor at walang proyekto. May ginawa raw itong soap pero hanggang ngayon ay hindi pa napapalabas. Hindi na rin daw ganu’n kadami ang mga endorsement ng binata at kahit nga raw shows sa labas ay kapos din ito.

At kahit nga raw si Maja ay bigla ring lumamlam ang career nang nakipagrelasyon kay Gerald. Kahit nga sunud-sunod ang proyekto nito ay hindi ito nakatulong para sumikat nang husto si Maja katulad ng iba pang mga ABS-CBN prime actress.

Ayon pa rin daw kay Maja, kahit nega raw ang dating ng relasyon ng dalawa ay hindi naman daw apektado ang relasyon ng dalawa. Labas na raw kasi ang kanilang personal na buhay sa kani-kanilang career. Hindi raw basta-basta nagpapaapekto ang mga ito sa kung anu-anong intriga at mas lalo pa nga raw silang nagiging close sa mga batikos sa kanilang dalawa.

 

Kristoffer Martin, tatanggap na naman ng award

 

MASAYANG-MASAYA ANG mahusay na teen actor na si Kristoffer Martin, dahil sunud-sunod  ang parangal na nakuha nito ngayong taon, bukod sa mga nominasyong nakuha nito sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa.

Dahil after ngang tumanggap ng Best Supporting Actor award sa ENPRESS Golden Screen Awards at maging honorable mention sa 16th Long Island Internationa Film Expo for Best Supporting Actor para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Oros, muling tatanggap ng award sa September 29 sa Manila Hotel, Manila for “Youth Achievers For Entertainment & Arts” ng Golden Globe Annual.

Kaya naman daw mas pinaghuhusayan nito ang kanyang pag-arte sa bawat trabaho na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Isa nga sa pelikulang aabangan ng kanyang mga tagahanga ang GMA Films’ Basement, kung saan kakaibang galing daw ang ipinakitang acting dito ni Kristoffer. Kaya naman marami ang humuhala na isa na naman itong pelikula ng GMA teen prime actor na magiging panlaban niya sa iba’t ibang award-giving bodies.

 

SAKSI ANG inyong lingkod kung papano pagkaguluhan at tilian ang grupong 3G na binubuo ng tatlong nagguguwapuhang bagets na sina Merywn Abel, 16 years old at nag-aaral sa De La Salle Taft; Shaun Salvador, 15 years old na nag-aaral naman sa College of St. Benilde Marikina;  at Jasper Dela Cruz, 16 years old na nag-aaral naman sa Baliuag University.

Pattern ang grupong 3G sa sikat na sikat na trio noon nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Eric Fructuoso na kumakanta, sumasayaw, modelo at umaarte. Dumaan daw sina Jasper, Merywn at Shaun sa matinding training ng singing, acting at dancing kaya naman daw everytime na may show ang mga ito ay marami ang napapa-wow sa galing nilang sumayaw at kumanta.

Katulad ng Guwapings, gusto rin daw sumikat ng 3G sa larangan ng pag-arte at pagiging mabentang endorsers. Sa ngayon ay kasa-kasama ang 3G ng sikat na grupong UPGRADE sa kanilang paglilibot sa SM Malls, kung saan sa Aug. 25 ay mapapanood ang mga ito na aawit at sasayaw sa SM Masinag, 4pm.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Maja Salvador, sinisisi sa paglamlam ng career ni Gerald Anderson

  1. Hahaha, playgirl and playboy na gusto ng fun-fun-fun eh nadiskaril, imbes na lumigaya eh nasira ang career. At least for the meantime, happy sila pareho and that is the most important. Kaya lang baka bumulusok career nilang pareho wala ng maisalba.

  2. You reap what you sow.  He got what he deserved and it’s not Maja’s fault.   It was his own doing. He reaped negative publiciity by what he did to Maricel Soriano.    No other star has done that publicly – its  me or the highway attitude.    Good for him.   Now, maybe he will learn to be humble. Success is fleeting especially if you don’t have talent except rely on popularity and good looks.   If he didn’t notice, Daniel Padilla is the ‘IT’ star now.  

  3. Sa totoo lang kung c maja at gerald ay magkakatuluyan ay ok na ipagpalit mo ang bff mo sa lalaki pero sa klase ni gerald parang nakakapanghinayang na ang friendship nyo ay ipagpapalit mo paano pag nagkahiwalay na kayo wala ka ng pwedengbalikan na kaibigan dahil cra na

Leave a Reply

Your email address will not be published.