Maja Salvador, non-showbiz ang bagong boyfriend! – Alex Brosas

NEW YEAR, NEW boyfriend. ‘Yan daw ang drama ngayon ni Maja Salvador.

May bago na raw kasing dyowa ang young star at isa itong non-showbiz guy. Ang name ng guy ay Rambo Nuñez, anak ng dating staff ni Richard Gomez na si Marilen Nuñez.

Through a common friend ay nagkakilala raw ang dalawa. Hanggang sa nanligaw na nga raw ang binata sa dalaga.

Kinikilig pa raw na inamin ni Maja sa isang kaibigan ang relasyon niya sa kanyang bagong dyowa, pero pinakiusapan daw nito ang friend niya na huwag ipagkalat ang kanyang pag-amin. Nagulat pa nga raw ang dalaga nang malaman ito ng kanyang friend. Amazed na amazed nga raw si Maja kung paanong nalaman ng kanyang friend na may bago na siyang BF.

Anyway, talaga palang hiniwalayan na ni Maja si Carlo Aquino na matagal na rin naman niyang naging dyowa.

Ang isa pang tsika, may isa ring non-showbiz guy na nanligaw rin daw kay Maja. Isa raw itong dentist na madalas na magpadala ng pagkain sa dalaga during the shooting of Shake, Rattle & Roll. Panay raw ang padala ng food ng dentist kaya naman puno palagi ng pagkain ang dressing room ni Maja. Ang madalas nga raw na request ng dalaga ay Lapid’s chicharon dahil iyon ang kanyang favorite.

Three months palang mawawala sa bansa si Akihiro Sato.

Sa Brazil kasi nag-spend ng Christmas season ang Brazilian model para makapiling ang kanyang pamilya roon. Matagal din naman kasi siyang hindi nakauwi kaya sinusulit niya ang ilang buwan niyang pananatili sa bansa.

Ang nakarating sa aming tsika, may girlfriend daw na iniwan si Akihiro sa Brazil. Hindi naman sila nagkaroon ng formal break-up nang mag-decide siyang mag-model sa Asia hanggang sa maging artista nga siya rito sa Pilipinas.

Naku, hindi kaya balikan ni Akihiro ang kanyang ex-girlfriend?

Isa pang naka-move on na ay itong si Pauleen Luna.

In fact, inamin niya sa isang interview na she’s now dating. This was when she was asked about her reaction sa tsikang nakitang may ka-date na babae ang ex-boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

“Okay lang ‘yon. Maganda nga na naka-move on na kami. Puwede na naman talaga siyang makipag-date sa ibang babae,” say ni Pauleen.

Maging si Pauleen ay aminado naman na lumalabas-labas siya kasama ang bago niyang suitor sa ngayon. Ang balita namin, isa sa anak ni PAGCOR Chairman Efraim Genuino ang dine-date ngayon ni Pauleen.

With this, talagang masasabi naming naka-move on na rin talaga si Pauleen mula sa naunsiyaming pag-ibig kay Dennis Trillo na bigla na lang siyang kinalasan matapos ang dalawang buwang pagiging magdyowa.

HINDI MAN TUWIRANG inamin ay split na talaga sina Shaina Magdayao at John Prats.

Ibinuking ni Kris na nakausap niya si Shaina at inamin nito sa kanya na wala na nga sila ni John. More than two years ding tumagal ang kanilang relasyon.

Sabi nga raw ni Shaina, hindi pa rin niya natatanggal ang mga photo ni John sa kanilang bahay. Maging sa kanyang Blackberry ay naroon pa rin ang photo nila ng aktor.

Si John ang bale second boyfriend ni Shaina sa showbiz. Her first boyfriend was Rayver Cruz.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

13 thoughts on “Maja Salvador, non-showbiz ang bagong boyfriend! – Alex Brosas

  1. RAMBU was BETTINA CARLOs ex-bf..even me i dnt like him..eh c maja wlang delikadesa yan ehh..lahat nang nanliligaw za kanya GAME XA!!!!crush lng xa ni enchong deeeee,,eh dapat lang dn hnd xa naging gf ni enchong kc matinong pamilya galing c enchong at xempre hahanap nang matinong gurl c enchong..na hnd malandi at walang rezpeto xa pamilya!!!yan c maja lageh kaaway ang mommy nya lalo na xa pagpili nang lalaki..c maja ang nazuzunod..kaya ganyan kc pano xa ang bumubuhay xa pamilya nya kaya pwede nya lang zagot zagutin mommy nya..kaya xa binitiwan nang manager nyang c chit kc ang zama nang ugali!!!

  2. ayy naku! mag-ingat ka dyan sa rambo nabasa ko na nambubogbog na gf yan and i work sa airport nakita ko silang dalawa lang nag-abroad singapore. Naku! focus on your carreer na lang at bka mabuntis ka lang sayang!

  3. im so sad may bago na cya bf.akala ko ba gusto nya mag focus sa career nya kaya nag brak cla ni carlo.gusto ko p nman c maja..for sure mag deny na nman c maja.d ba nga d nman nya inamin na bf nya c carlo.nalaman n lng ng public na wala n cla dalawa.MAJA please focus on your carrer.nayon pa nman bini build up k ng abs-cbn.makakasira lng yung bf mo

  4. first it was carlo, then enchong, and now this rambo guy and she dated them all in one year. if i were you maja i would just focus on your career.

  5. wasn’t maja’s reason for breaking up with carlo was to focus on her career? if that was true, then why does she have a bf already and she broke up with carlo only months ago. the funny thing is that rambo guy looks so much like carlo lol.

  6. parang naiba ang itsura ni maja salvador dito ah… siya kaya yung young star na nagparetoke daw ng nose and boobs?….. kamukha na niya c catherine zeta jones….

Leave a Reply

Your email address will not be published.