Maja Salvador, may nakauna na pala – Chit Ramos

MADUGONG-MADUGO PALA ang selection ng Are You The Next Big Star? ng GMA 7, kung ikukumpara sa lahat ng pa-contest sa buong bansa.

Si Alex Castro ang crowd favorite, kahit ang nanalo ay si Geoff Taylor. Hindi kami nahirapang panoorin si Alex habang nagpe-perform  sapagka’t suwabeng-suwabe siya at mukhang ini-enjoy ang ginagawa, kaya nga dalawang beses siyang napiling most likely to be  the next big star nina Vernie Varga at Pops Fernandez. Actually, hirap na hirap kaming pakinggan si Geoff, lalo’t anytime ay posibleng mapatid ang kanyang litid sa taas ng birit niya.

Na kay Franchesca Farr na ang lahat ng qualities para manalo, at  tulad ng inaasahan ay siya na nga, tulad ng kanyang family name, will go that farrrr.

Naka-duet naman ng mga contenders sina Ogie Alcasid, Basil Valdez, Joey Generoso, Renz Verano, Gian Magdangal, Maricris Garcia, Julia Clarete, Jet Pangan, Mark Tupas, Geneva Cruz at Kuh Ledesma. Ang gagaling nila. Inalalayan talaga nila ang mga contenders, maliban sa isang akala mo’y katapusan na ng mundo kung umatungal.

GOING BACK TO ALEX na totoong naka-agaw ng pansin, sing and dance na siya at tiyak ng magsa-shine ang kanyang career. Ibang-iba na siya kaysa noong una kong makita bilang leading man ni Maja Salvador sa commerial ng “Fresher”.

Hiyang-hiya pa siya noon habang nagpapaalam sa inyong lingkod kung puwedeng makipa-piktyuran kay Maja, na agad ko namang pinayagan. I’m sure, hindi na mag-aatubili ang GMA- 7 na gawin siyang sikat na recording star dahil ibang klase siyang pumili ng mga kantang babanatan sa pa-contest na iyon. Punong-puno na kasi tayo ng mga mambibirit na halos mapatid ang mga litid kapag kumakanta. For a change, here’s Alex na puwede na ring isabak sa SOP at sa mga pelikula ng Regal Entertainment.

NAMUMUKOD-TANGI NAMAN si Jomari Yllana sa listahan ng Celebrity Duets na mapapanood na sa Sabado, after ng Wish Ko Lang sa GMA- 7. Pero, huwag siyang kasisiguro dahil nariyan din sina Janina San Miguel (former beauty queen), Maxie Cinco, (fashion designer), Mikael Bilbao (beauty maven), Joel Cruz (lord of Scents), Gina Alajar (award-winning actress and director), Akihiro Sato (Top Brazilian-Japanese model), Niccolo Cosme (fashion fotog), at Nonito Donaire, Jr. (WBA Interim Super Flyweight World Champion).

Host  uli si Rigine Velasquez, as if hindi pa sapat ang pagho-host niya rin sa Are You The Next Big Star? the night before. Most of them said na hindi sila magbi-biritan o maglalaban-laban sa event na ito. They just want to enjoy it. Sino man ang manalo, ibabalato naman nila ang kalahati, as in half a million sa paborito nilang charity.

Nasa judges table ang former winner na si Tessa Prieto, Freddie Santos (veteran concert at theatre director) at Danny Tan (renowned composer and arranger). Pangatlong taon na napapanood ang Celebrity Duets at isang show ito that could turn the likes of an athlete, a politician, a doctor, a chef or even a social butterfly into a potential singing sensation.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Maja Salvador, may nakauna na pala – Chit Ramos

  1. correction… Janina San Miguel po.. Hindi San Pedro!!!! ano ba yan.. mukhang narinig lang ata sa ibang writer yung kwento tpos dinagdagan para maging article nya din!! kalerkey… eeeewww!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.