Maja Salvador, malas sa career ni Gerald Anderson?

Maja-Salvador-Gerald-Anderson Gerald-Anderson-Maja-SalvadorSUPER POST si Gerald Anderson ng never-before-seen photos nila ni Maja Salvador sa kanyang Facebook account.

Puro sweet moments ang inilagay na litrato ni Gerald, parang nang-iingit pa yata. In the photos that we saw,  it’s either magkahawak-kamay sila o kaya naman ay magkayakap. Merong mga eksena sa dagat, sa mga pasyalan at sa bahay.

Nag-away nga ang fans nina Kim at Maja. Ang daming nambash kay Maja dahil naungkat ang nakaraan ni Kim kay Gerald.

Pero may nakapansin na tila nalaos si Gerald when he publicly announced na dyowa na niya si Maja. Hindi na nag-click ang mga project niya at tila nawala ang kanyang kasikatan.

Jinx ba si Maja kay Gerald? The fans think so!

 

SI KAYE Chua ang only rose among the thorns among the members of Backroom’s NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girl) which include Ian Batherson, PJ Go, Avery Paraiso, Benj Bolivar, Carlo Sawit, Maui Lumba and Bon Jovi Osorio.

Beauty queen material si Kaye and she intends to join a national beauty contest in the future.

“Favorite ko talaga si Shamcey Supsup. Gusto ko ‘yung elegance niya, eh. Hindi ko siya hinahangaan as a beauty queen lang kasi she finished her course, achiever talaga siya,” she told us when we asked her kung sino ang idol niyang beauty queen.

“From the start, ang priority ko ay ang pageant. Since wala pa naman, parang may time pa ako, so sumali muna ako rito sa NYOBG. Parang training ko na rin, eh,” chika niya sa amin.

Nagulat kami sa revelation ni Kaye na she was chubby as a child. Nag-diet lang siya at nag-gym nang araw-araw hanggang sa pumayat siya nang husto.

Naging third runner-up sa isang pageant sa UST where she graduated cum laude for her Hotel and Restaurant Management course. As  the lone female member of NYOBG, magiging busy si Kaye dahil meron silang shows sa PAGCOR casinos this month until June.

Kaye has also appeared as the friend of Nikki Gil in Maria Mercedes.

 

THERE’S THIS Facebook fan page na ang admin ay talagang IDIOTA!

Sa tindi ng galit sa amin because we were writing Marian Something in a negative light ay talagang ipinost ba naman na patay na kami and even had the gall to post our picture here in Pinoy Parazzi.

Ang kapal ng admin na ito na obviously ay hindi napalaki nang tama ng kanyang PAKASTAHING INA.

Walang kasing bobo ang admin na ito na nagsabi pang meron daw silang day job at mga professionals sila.

Meron bang professionals na IDIOTA? Helllooooo?

At ano naman ang day job ninyo, ang mamalimos kay Marianita para kumita ng pera?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Maja Salvador, malas sa career ni Gerald Anderson?

  1. BWAHAHA! PATAY NA SI ALEX BROSAS SA ISANG FAN PAGE! WELL, TATAGAL PA ITONG KABAYONG ITO DAHIL AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO! PERO BAKA NAMAN GHOST WRITER NA LANG ITO AT TALAGANG DEAD NA SI VALENTINA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.