Maja Salvador, malaking hamon ang mapuno ang MOA sa kanyang concert

Maja-SalvadorMALAKING CHALLENGE kay Maja Salvador ang Majasty concert niya na gaganapin sa MOA Arena on Friday, Nov. 13. Napakalaki ng venue na kailangan niyang punuin. Kung hindi kami nagkakamali, 20,000 ang audience capacity ng MOA Arena.

Buti na lang, as of presstime, parang hot cake ang benta ng tiket ng Majasty ni Maja. Well, that’s good news. Bongga.

Ayon kay Maja na kababalik lang mula sa kanyang U.S. tour, marami siyang buwis-buhay na performance sa concert. Totodo rin daw siya sa pagsayaw at pagkanta.

Special guests ni Maja sa concert sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil, at Piolo Pascual.

Anyway, hindi pa man natatapos ang concert sa MOA, nakahanda na ang Majasty World Tour 2016 ni Maja kasama sina Paulo at JC on Feb. 12 and 13, 2016. Gaganapin ito sa Cache Creek Resort and Casino (San Francisco, California).

After her concert sa MOA, makapagko-concentrate na ulit si Maja sa taping ng Ang Probinsyano series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“For a time kasi, dahil sa tindi ng rehearsals, hindi muna ako nakapagte-taping. Pero after nitong concert ko, do’n na ulit ako magku-concentrate,” sey pa ni Maja.

Anyway, good luck, my dear Maja, sa iyong concert on Friday.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

3 thoughts on “Maja Salvador, malaking hamon ang mapuno ang MOA sa kanyang concert

  1. at sino si julie ann? o tapos kahit sino pang tao ang i compare mo the fact remains thats maja is just a trying hard artist ang tagal na nya sa showbiz nagkaaward nat lahat walang box office hit, mga teleserye nya yung lang naman legal wife malakas di namna sya lead dun,,yung bridges ekek nya di naman umikot sa kanya yung kwento boring pa acting nya dun,,,mag twerk na lang sya at magbilang ng maraming lalake dun talaga magaling sya,,promise!,,she’s an epic flop!!!!

  2. selling like hotcakes??? seriously?? nasan ngayon eh aalog-alog ang MOA sa kawalan ng tao,,kahing talented sya she does not have the fandom para pumuno ng ganyan kalaking venue..ni movies nya na mas mura bayad di kaya mag blockbuster ,,concert pa??? maja should learn to be more realistic di yung sobrang confidence..yan kaya sya napapahiya,,,kahit sa mga lalake sunggab ng sunggab feeling nya napakaganda nya in the end they just dumped her,,,eto naman yung concert nya porke kumita kuno yung album na puro naman pakyaw para ipamigay eh kala naman nya tatangkilikin sya ng tao,,,o ayan!,,,hay naku mag muni-muni ka muna maja sa susunod…

    • Na-hurt naman si Julie Ann sa mga sinabi mo, partida hindi pa totoong singer etong si Maja pero pareho lang ang turn out!!! Aminado rin si Maja last Sunday sa ASAP, kaya siya mismo ang nag-benta ng tickets sa MOA.

      Buti nalang yung mga teleserye ni Maja hindi flop, unlike Julie Ann, puwede naring Waley of All Media Jr. ni Aning… LOL!!!

      HAHAHAHA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.