Maja Salvador kay Kim Chiu:
“Sana ma-realize niya, nandito ako bilang totoong kaibigan”

MAJA SALVADOR speaks up about her supposed romance with Gerald Anderson and her strained friendship with Kim Chiu. Ipinalabas ang kanyang interview sa The Buzz (courtesy of Cinemanews).

Lalong lumakas ang ugong na mas lumalalim ang pagkakaibigan nina Gerald at Maja na kamakailan lang ay nagpunta ng La Union. According to a reliable source, dito idinaos ni Gerald ang kanyang birthday. They were with other friends like Rayver Cruz, Fred Payawan and some Star Magic handlers. Their photos were uploaded on the internet at makikitang madalas magkatabi ang dalawa.

Sa kanyang interview bago ang kanilang bakasyon, Maja denied they are in a relationship. She also gave her take on the rumor that Gerald is a heartbreaker. “Kasi ganoon din naman iyong tingin ko sa kanya dati, noong mga panahong ‘di ko pa siya kilala. Tayo naman hindi maiiwasan talaga na makapagsalita o kaya makapag-isip nang hindi maganda sa isang tao lalo na kapag may mga nagsasabi sa iyo.”

Sa nakikita raw niya sa binata ay mabait ito. “Sabi ko sa kanya, ‘Kaya maraming nagagalit sa iyo kasi napakabait mo, sobrang gentleman’.”

Gerald previously said in an interview that he and Maja have to be strong for each other because of the intrigues being hurled at them. On her part, Maja is proud that she gets support from Gerald. “Hindi ko iyon hiniling sa kanya pero nandiyan siya lagi.”

Handa na ba siyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Kim? She chose to keep silent para hindi na raw lumala pa ang sitwasyon dahil dadami ang bersyon ng mga kuwento. Dagdag pa niya, “Ayoko nang i-defend [ang] sarili ko. Basta alam ko na alam niya na naging totoo akong kaibigan at hanggang ngayon [ay] nandito pa rin ako.”

She tried to patch things up with Kim, “Kahit na anong mangyari, kaibigan pa rin niya ako. Kasi ang pagkakaibigan, nagkakaintindihan. Nandito lang kami sa sitwasyon ngayon na kailangan naming pagdaanan. Hindi ko man maibalik iyong friendship na meron kami pero sana in time ma-realize niya, ng lahat na nandito ako bilang totoong kaibigan.”

Usap-usapan din sa showbiz ang diumano’y pagwa-walkout ni Kim sa kanilang teleseryeng Ina Kapatid Anak matapos kunan ang eksena nilang dalawa. Ayaw nang magkomento tungkol dito ni Maja para hindi na raw lumaki ang isyu.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

15 thoughts on “Maja Salvador kay Kim Chiu:
“Sana ma-realize niya, nandito ako bilang totoong kaibigan”

  1. It’s not right na mag best friend pinatulan at the same time,maja naman naubusan ka na ba ng lalaki sa mundo? Bakit yung ex pa ng bestfriend mo? Baligtadin mo pa mundo,di magandang tignan…Maja get a decent man at ayusin mo buhay mo iha!

  2. anu kamo maja??? majadera kang hitad kah!!!
    kaibigan na nang aagaw ng lalake. malandi ka pa sa ina mu!
    tarantada kah!!!!

    ikiskis mo sa pader!

  3. Im not a fan of maja nor kim pro its a big no no tlga.kht p over n at nagmove on n c kim at gerald.buti kndi mgbff c kim at maja ok lng eh ano,kpg mgbobondimg sla ni maja pgkkwntuhan nla si gerald?blgtad nmn kc c maja nmn magsheshare?awkward.isa lng nmn issue jan eh,hndi bitterness o ano….respeto lang s mga pnagsmhan.

    • Syempri ipagtanggol mo sya ngayon maja dahil mahal mo na rin yong tao,at kahit ano sasabhin mo mali pa rin ang ginawa mo.

  4. Totoo ka ba talaga , Maja? Para kasing, lahat na lang nang lalaking lumapit sa iyo, nagigiging BOYFRIEND MO. Para bang gustu mong pak-yawin silang lahat.sa..Madaling salita…gusto mo silang tikman , lahat…SALVADOR KA NGA!!!!

  5. kung totoong kaibigan itong maja-rot na ito eh di hindi niya dapat inahas ang ex bf ni kim chui na si budoy anderson…

  6. i’m not an avid fan of either two actress but i think it’s not also Maja’s fault if Gerald courted her. in fact, his relationship with Kim has been over and done long time ago, aside from the fact that they didn’t admit it at all at first, just confirmed its true when they broke up. So, let’s not just point our finger to Maja, she didn’t ask the guy to court her, she didn’t ask the guy to take a chance with her. A true friend understand everything even if things doesn’t goes the way she want it to be.

  7. baliw itong si Maja.. totoong kaibigan ba yung ginawa niya? inentertain niya yung ex ng bestfriend niya!   mauubusan na ba siya ng boys?  eto din si Gerald.. kelangan ba talaga si Maja? tinuhog ang mag-bestfriend

Leave a Reply

Your email address will not be published.