Maja Salvador, itinangging lasengga na rin siya!

OLA CHIKKA! NGAYON na nga magaganap ang pinakahihintay nating halalan 2010. Ngayon kung kailan pinakakailangan ang ating pagiging responsableng mamamayan. Bawat boto ay mahalaga kaya pakiusap ko lamang ay maging matalino pagdating sa pagboto ng kandidato. Kaya bago pa man maging seryosohan nang bonggang-bongga itong paalala ko ay dumako na tayo sa showbiz chikka.

Maraming artista ang kumakandito, kaya ngayon ang paghuhusga sa kanila. Hindi dahil sikat sila ay may karapatan na silang lumuklok. Ngunit hindi ko naman sila minamaliit. May mga artistang nasa puwesto ang marami na ring nagawa. Kaya nga ang paalala ko, pag-isipan nang mabuti ang gagawing pagboto.

NAGULAT NAMAN AKO sa balitang napapasama na sa listahan ng mga lasenggera itong si Maja Salvador. Kamakailan lamang ay nakita raw itong si Maja sa isang bar na lasing na lasing at may kayakap pa raw na lalaki.

Grabe na talaga ang henerasyon ngayon dahil ginagawa nang habit ang pag-inom, hindi tulad nu’ng dati na kapag may okasyon lamang nag-iinuman.

Hindi magandang impluwensiya sa mga kabataan itong mga ganitong balita. Una si Angel Locsin, pangalawa si Shaina Magdayao at ngayon naman itong si Maja.

Ayon naman sa aktres, imposibleng siya raw iyon dahil wala na raw siyang panahon upang mag-bar pa at magpakalasing. Kung minsan daw ay lumalabas din siya kasama ang mga kaibigan tulad ng ibang tao upang maglabas ng stress, ngunit tamang kanta lamang daw ang trip nila sa mga videoke-han. Hinala niya ay paninira lamang ito laban sa kanya.

Naniniwala naman ako rito sa young actress dahil wala pa namang nailalabas na ebidensiya kahit litrato man lang. Kunsabagay, kung may usok, may apoy. Kaya kung totoo man iyang balita na iyan, hindi magtatagal ay may lalabas at lalabas pa ring ebidensiya.

Kaya payo ko lang sa mga artista, dagdagan pa ang kanilang pag-iingat sa kanilang kilos, dahil maraming kamerang-gala riyan sa pagilid at nakabantay sa bawat galaw nila.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong sikat na sikat ng young actor ang laging laman ng tabloid na napapabalitang bading dahil sa hindi pag-amin ng pagkakaroon ng girlfriend sa kabila ng chikka na ang dami-daming artista ang nali-link sa kanya?

Ayon kasi sa aking parazzi girl, nagkakandarapa raw itong si young actor umalis pagkatapos ng noontime show nila tuwing linggo… ayan ha, may clue na?! Agad-agad daw itong nawawala kasama ng co-actor niya na kamakailan lamang ay nagkapelikula sila tungkol sa mga bading.

Sorry mukhang gets n’yo na! Hmmm… hindi kaya tinototoo nila ang kanilang role sa pelikulang iyon?! Naku, ha! Kailangan na ba natin siyang i-welcome sa ating federation. Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko

lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Maja Salvador, itinangging lasengga na rin siya!

  1. PAG WALA SI WILLIE, MAGSASARA NA ANG AVS-CVN KC MALULUGI NA….SA SYETE NA LANG SIYA KASAMA NI PAPA JOEY DELION…,,M

    • bakit kukunin ng gma ang basura na yan!…di yan katangap tangap….crimnal na mayabang bayaran nya muna yung mga pinatay nya sa ultra noohh!!!….ipa sequester na nila bahay nya daw…kay villar naman yun at kay noli boy de castro nohh!!!!

    • BAKIT, HINDI NA BA PWEDENG GUMIMIK ANG PAREHONG BABAE O LALAKE? KAMING MAGBABARKADA DITO SA U.S. LAGI KAMING GUMIGIMIK PERO WALA SA AMIN ISA MAN NA AC/DC. ANG DUDUMI NG MGA UTAK NINYO, DAPAT DYAN AY BUHUSAN NG BALDE-BALDENG KLOROX PARA LUMINIS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.