Maja Salvador is avoiding questions about her supposed romance with Matteo Guidicelli

 

NASULAT NATIN KAMAKAILAN ang tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli. Nauna nang inamin ni Matteo na may espesyal nga siyang pagtingin kay Maja. He admitted that they are special friends and Maja is his inspiration.

Nagsalita na rin si Maja tungkol sa kanyang rumored romance kay Matteo. Sinabi niya sa kanyang interview sa Showbiz News Ngayon (SNN) that they are not yet officially a couple. Priority raw nila ngayon ang kanilang mga careers. “Hindi pa nga kami. Hindi. Kung siya maraming priorities, mas marami rin siguro pa akong priorities. Kaya hindi ako siguro sumasagot kasi siyempre may mga kanya-kanya kaming trabaho pa na kailangan alagaan,” paliwanag niya.

Parehong busy ngayon ang dalawa. Matteo is hosting Happy, Yipee, Yehey while Maja is regularly seen on the primetime teleserye Minsan Lang Kita Iibigin. Pero gaano man sila kapwa kaabala sa kanilang trabaho ay may puwang pa ba ang love sa buhay nila? Let’s just wait and see.

Mas pinili namang manahimik ni Maja tungkol sa kanilang relationship ni Matteo dahil mas maganda raw kung ang lalaki mismo ang magsasalita tungkol dito. “Pangit naman kung sasabihin natin na nanliligaw sa akin si Matteo. Parang ako iyong nag-a-announce. Hindi rin naman [maganda]. Hayaan na natin na siya iyong vocal, na siya iyong nagsasabi, laging nagbabanggit ng pangalan ko kasi siya ang lalaki,” sabi niya.

Since Matteo and Maja are currently doing a movie titled Basted under Star Cinema ay tingnan na lang natin ang magiging development ng kanilang romance. Kung ngayon pa nga lang ay pinag-uusapan na sila, ano pa kaya kapag nagkaroon na sila ng movie promo?

If Maja avoided other questions about her supposed romance with Matteo, it seems she was not able to evade the media’s questions regarding her alleged rift with Erich Gonzales. “Okay na kaming lahat so mag-move on na tayo. Okay kami ni Erich, nila Melissa pati sila Kim. Magkaibigan naman kami pero hindi kami lumalabas, civil. Kung sasabihin mong close friends ba, siguro papunta kami roon. Dahan-dahan lang muna kasi kapag nagsama-sama kami bigla, sasabihin ay nagpaplastikan lang mga iyan.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Maja Salvador is avoiding questions about her supposed romance with Matteo Guidicelli

  1. maja pwede b wag kng masyadong showbiz ano b masama kung may relasyon kau ni matteo..at sk pno kau nagkkaintindihan ni matteo eh magaling mag english……lam ko n prti kng may dlng english tagalog dictionary hehehehe

  2. okey naman reaksyon ni maja.. dapat ang guys nalang si mateo naman maygusto sa kanya …..ganda ni maja simply lang mabait pa.. cute

  3. Pingback: Maja Salvador is avoiding questions about her supposed romance with Matteo Guidicelli - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.