Maja Salvador, handa nang magpaseksi – Boy Abunda

ANG BILIS TALAGANG lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay nagsisimula ang taon but now we can already hear Christmas songs playing inside the malls. Marami ring mga pumutok na eskandalo sa loob at labas ng showbiz noon ang tila wala nang ingay ngayon. Even our female young stars seem to be more daring and sexier in their latest projects. Nauna na rito si Erich Gonzales in Katorse na sinundan naman ni Kim Chiu in her honeymoon scene with Gerald Anderson in Tayong Dalawa. Ngayon naman ay sumabak na rin si Maja Salvador sa paseksihan.

Maja doesn’t mind baring some skin in her latest series Nagsimula sa Puso on ABS-CBN. “Sabi ko nga, binigyan ako ng big break ng ABS-CBN. Bakit ko titipirin? Kung ano’ng kaya kong ibigay, kung ano’ng kaya kong ipakita, bakit hindi para sa ikagaganda ng show?” Nakakapanibago pero kapag napapanood ko ang trailer ng Nagsimula sa Puso ay alam kong I will now be seeing a new Maja who is ready to shed her sweet and wholesome image onscreen.

I still remember my interview with the young Maja on her very first television appearance on The Buzz. Ito rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya sa mundo ng showbiz. We also covered the meeting of Maja and her late father, Ross Rival.

Kasabay ng pagbabagong imahe ni Maja ay inili-link siya ngayon sa mga young actors na sina Carlo Aquino, Sam Milby and Coco Martin who is her leading man in Nagsimula sa Puso. Binibigyan ng ibang kulay ang pagiging close nila ni Coco dahil si Maja ang unang girl na nagpadala ng text message sa aktor nang maaksidente ito sa taping ng Tayong Dalawa. Maja was quoted saying, “Wala pa po pero malay natin baka may magsimulang pag-ibig dito.” Kumatok kaya si Kupido sa puso nina Maja at Coco lalo pa’t madalas na silang magkakasama dahil sa tapings? May magsimula kayang pag-iibigan sa set ng Nagsimula sa Puso? Let’s wait and see.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Maja Salvador, handa nang magpaseksi – Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.