Maja Salvador, gustong pormahan ng baguhang aktor by Chit Ramos

NINERBYOS NANG HUSTO si Ron Morales nang tanungin ng inyong lingkod kung totoong pinopormahan niya ngayon si Maja Salvador.

Hindi siya nakatanggi dahil kasalukuyang nakakandong sa atin ang mayuming aktres at paharap pa sa kanya. Si Ron naman, kung inyong natatandaan ay kontrabida sa pangunahing serye ng Kapamilya network na May Bukas Pa.

“Mas demonyo pa po ako kaysa kay Albert Martinez at kino-consider ko itong pinaka-malaking break ko,” paunang sagot niya sa tanong ko. Siya din ang 2nd runner-up sa nakaraang Bench model search. Suwerteng hindi siya nagpa-iwan sa nanalong si Carlo Guevarra na tulad niya ay gumagawa  na rin ng pangalan sa showbiz ngayon.

Humugot muna ng buntong-hininga si Ron, bago nagpatuloy. “Nagte-text lang po muna. Nakikiramdam. Noon po kasing una, dine-dedma niya ang mga text ko kaya itinigil ko. Baka ikako, biglang lumayo o hindi interesado kaya nanahimik ako.”

Kaya lang parang tuksong, kasama niya lagi sa May Bukas Pa ang dalagang hanggang ngayon ay mukha pa ring dalagita, kung kaya’t minsang ngumiti ito sa kanya ay muli siyang nabuhayan ng loob. “Nag-text po ako uli. Actually, friendly lang naman. In-aknowledge naman niya. Yun, ang saya ko!”

Napag-alaman naman ni Ron na hindi nanliligaw si Rayver (Cruz) sa dalaga. Hindi rin niya nakikita ang dating natsitsismis ditong actor mula sa kabilang network. Kaya,’ yun, nagbaka-sakali siyang makipag-kaibigan muna. “Actually, sino naman ang hindi maaakit sa kanya. Gandang-cute at ang bait-bait pa. Napakagaling na aktres. Madalas ko siyang panoorin habang kinukunan at natural na actress talagang maituturing.”

Nag-aalala na rin si Ron ngayon na baka kung saan mapupunta ang pag-amin niya. Kabado siya na ma-misinterpret ng iba o ni Maja mismo ang pag-amin niya. “Ang tanong po naman kasi ninyo ay hindi puwedeng iwasan. Parang siguradong-sigurado kayo. Ayaw kong mapagbintangang sinungaling!”

BAGO SI MAJA, si Zaijian ang nakakandong sa inyong lingkod sa thanksgiving presscon ng May Bukas Pa. Masaya niyang ikinukuwento ang latest niyang nabili since we last saw him.

“Ang dami-dami ko na pong laruan. Bukod po sa malaking TV na ibinalita ko sa inyo noon, walang malalaking appliances ang nadagdag sa bahay. Hindi ko po alam kung kaya na naming bumili uli. Hindi po kasi ako nagta-tanong kung magkano na ang naiipon namin. Basta, masaya na po ako sa mga nadagdag na laruan. Dumami na rin po ang mga kalaro ko bukod sa fathers (mga paring cast). Bukod po kay Joy (anak nina Lara Quigaman at Tonton Gutierrez), nariyan din po si Grace (anak naman nina Vhong Navarro at Maylene Dizon).

“Next week, guest din po namin si Mang Dolphy. Nakita ko na po siya noon, sa party nina Tita Linggit (Tan) at Tita Cory (Vidanez). Kinarga pa nga po niya ako at nakipag-picture siya sa akin, kasama si tita Susan Roces.

“Mahaba-haba pa rin po ang aming serye. Hanggang January pa po kami. Marami pa po ang magiging guest namin. Naririnig ko na po ang susunod kong show kung saka-sakali, pero, kung ano po ito, hindi ko pa po alam. Basta po mayroon. Tuloy din po ako sa pag-aaral ko. Sabi nila, inaayos nila ang sked ko para hindi ito makasira sa pag-aaral ko. Pakisabi po na thank you sa kanila at thank you po sa mga nanonood. Sana po, huwag nila akong kinukurot kapag nakikita nila ako sa mall.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Maja Salvador, gustong pormahan ng baguhang aktor by Chit Ramos

  1. ang cute naman ng pakiusap ni zaijan :D

    oo nga mga madlang pipol na nanggigigil sa batang ito, baka naman magkapasa-pasa yung bata sa kakukurot ninyo. ahehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.