Maja Salvador, dyowa ng tomboy na direktor?!

PAGKATAPOS NA MABIKTIMA ng malisyosong mga tsismis sina Bea Alonzo, Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, si Maja Salvador naman ang dapat na magbigay-linaw tungkol sa isang malisyosong intriga na kalat na kalat ngayon sa showbiz, at pabulong lang munang pinag-uusapan.  Ang isyu ay tumutukoy sa diumano’y may kaugnayan daw ngayon ang magandang young star sa istang tomboy na movie director, na siyempre pa’y nasa bakuran din daw ng Kapamilya network.

Nakakaawa naman ngayon si Maja, dahil kapag mahabang usapan sa showbiz ang pinagkukuwentuhan, hindi nawawalang mabanggit ang tungkol sa diumano’y bago niyang karelasyon. Kaya nga raw, hindi na nakapagtataka ngayon kung bakit sa hanay ng mga kaguwapuhang artistang lalaki sa bakuran ng ABS-CBN, wala siyang direktang maamin at mapanindigan na kanyang karelasyon, dahil ang mga iyon ay napag-uusapan lang kapag may kapareha siya para sa pagbibida niya sa mga teleserye.

Hindi pinaniniwalaan si Maja sa kanyang mga deklarasyon na kaya wala pa siyang seryosong pakikipagrelasyon sa ngayon ay dahil priority niya ang kanyang umaangat nang showbiz career. Pinagtataasan din ng kilay ng mga intrigero, na sa ganda niyang iyon ay wala siyang inaaming karelasyong lalaki sa ngayon, kahit ang dami naman niyang manliligaw.  Hindi natin iniintriga si Maja. Ang sa atin lang, pagpaparating na hayan at siya na nga ang bagong kinukulapulan ng nakakagulat na tsismis.

DAPAT MAG-HOST NA lang si Charlene Gonzales ng ibang programa. Hindi kasi siya bagay maging isa sa mga katsikahan ni Kuya Boy Abunda sa The Buzz ng ABS-CBN, dahil hindi pang-tsismisang showbiz ang tipo ng wife ni Aga Muhlach.  Nagmumukhang dekorasyon lang sa nasabing programa ang dating beauty queen, lalo pa’t wala siyang katorya-torya kung mag-interview ng mga bisita nilang artista. Ang tigas-tigas ng dating niya kung mag-interview, kaya kapag pinapanood mo siya ay iisipin mo na lang, na sana ay matapos kaagad ang segment niya.

Mas bonggang panoorin si Charlene kapag sumasayaw siya. Doon naman kasi siya napansin. Bagay rin siyang mag-host ng cooking show. Parang wala sa personality niya na maging tsikadora sa The Buzz, dahil hindi siya nakilala bilang celebrity na makuwento gaya nina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez. Kaya nga, napagkukumpara silang dalawa ng unica hija ni Tita Annabelle Rama. Kasi nga, walang binatbat si Charlene sa istilo ng pagiging tsikadorang host ni Ruffa sa programang Paparazzi ng TV5.

Maganda lang si Charlene bilang TV host, na mala-reyna ang dating habang pinapanood mo siya dahil magaling nga siyang magbihis ng mga kasuotan. Pero sa tsikahang showbiz, lalamunin siya ng istilo ni Ruffa. Una sa lahat, ang sister ni Richard Gutierrez ay napakaraming alam na balita tungkol sa kapwa niya mga artista. Nakikipagtsikahan din siya sa napakarami niyang mga kaibigang manunulat, kaya bukod sa cute ang dating ng kanyang kataklesahan, bumagay na nga siyang maging talkshow host.

NAPAKASAGWA NAMANG PANOORIN ng Kapuso star na si Karen delos Reyes habang iniinterbyu siya sa Startalk nu’ng Saturday. Paano ba naman, bukod sa napakahaba ay wala palang kawawaan ang kanyang ikukuwento tungkol sa diumano’y relasyon nila ng rockstar na si Pepe Smith, ay nguya siya nang nguya ng chewing gum hanggang sa matapos ang interbyu sa kanya.  Normal bang gawain ng isang artista ang magpainterbyu at humarap sa telebisyon nang may laman ang bibig? Dapat iniluluwa muna iyon kapag eere na ang programa, ‘noh!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

26 thoughts on “Maja Salvador, dyowa ng tomboy na direktor?!

  1. e bakit ba kung dtowa ng shomboy yang si maja? wala naman nkakagulat doon…e di ba si BEA ALONZO jowa din ng isang shomboy na producer ng dos noon? nagpakamatay pa nga di ba ang shomboy na produ? ngbaril kung di ako ngkakmali…..weird ng mga kapamz huh! lolz

  2. hoy melchor na bdaing paki explain nga kung may pinagkaiba si charlene at ruffa sa hosting? pareho sila maganda pero pareho silang BANO okay?!? wlang papantay kay mris aquino…yan ang katotohanan!!!!! magkano kaya syo ni anabelle rama? bwahahaha

  3. ano ba naman yan,mga talent ng dos! bea alonzo mang-aagaw ng bf………………..
    john lloyd at shaina na vaginal lock sila at gumagamit ng viagra si JL…………….
    angel locsin isang tomboy daw………..
    gerald anderson at jake cuenca nakarelasyon isa sa mga executives bading ng ABS…………..
    maja salvador jowa ng isang tibo director

  4. Agree rin ako sa writer..hindi pang chismis showbiz si Charlene. Nothing against Charlene too, however, parang uncomfortable siya to ask personal questions or intrigues sa guests and it shows sa kanya. She maybe be able to interview people kapag hindi sa ganoong format. Give her a different show na lang…sayang naman siya.

    • I agree too! Parang limited ang kalabasan sa mga interview nya at sa mga opinion nya, siguro hindi lang nya gusto na may masaktan kasi she is probably thinking na maliit lang ang industry na ito and she knows not to burn her bridge early, baka gagamitin pa nya yon later.

    • i guess pang beauty queen na lang si charlene or yung tulad ng lifestlye type shows. di na rin siya bagay sumayaw dahil kahit noon tigas na ng katawan nya e di lalo na ngayon la nang practice hehehe…i guess all of these 3 ladies sa the buzz should go. it seems that they are trying to compete with each other. sa pov they are trying to show off. masyado kung mag expound ng isang topic to the point na they just don’t look and sound intelligent anymore. para bang napapakitang gilas na sila na mas matalino ako, mas knowledgeable ako. unlike nung si kris pa, nandun yung humor, intelligence although i don’t like kris anymore. ewan ko na lang kung sinong nababagay diyan.

  5. I LOVE YOU MAJA! horror queen.. oa ang writer ahh.. bakit ako 30 na bago nag asawa ang daming nanliligaw.. so me bf rin ba ako na TOMBOY he he he eh pano kung wala pa syang nagugustuhan.. bakla siguro tong melchor.. lol

  6. hndi porket hndi umaamin na may bf eh may jowa ng tibo,, di ba alam nman ng lahat na kaya di umaamin ang isang artista na may bf kc makakasira itoh sa showbiz career niya at sa loveteam na ibibigay sa kanya…ang kikitid ng utak tlga hndi nila kayang ibukas ang mga isip nila sa katotohanan…si maja hndi pumapatol sa tibo at never siyang papatol dun…sinagot na niya ang issu na yan dati..noh…

  7. hay naku ang dami tlga naninira sa mga stars ng dos after ng bakla issue sa mga sikat n hunks naun nmn tomboy issue s mga sikat n girlalu ng 2 nmn una bea, angel tas naun maja. wala n cguro maicp n panira ang mga wlang mgawa s buhay jan s galing s pugad ng mga laos n istasyon, hulaan nyo nlang ang naninira s mga artista ng abs cbn, clue pugad ng mga starlet n station

  8. Hoy Mr.Bautista! tigilan mo pagtsismis sa idol ko ha!wala kayong ebidensya,kung makadiretsa feeling totoong-totoo! GO MAJA,YOUR MY IDOL!.

  9. Kung makapagchismis naman at makapagcomment yung karamihan dito akalama mo wlang dumi sa pagkatao nila! Happiness is a choice ! Sino ba kayo sa tingin nyo? ano bang klaseng trabaho meron kayo?

  10. magtataka pa ba tayo kung maraming alam na tsismis si ruffa tungkol sa ibang artista. remember, kapatid nya si raymond … sila talaga ang nagtsitsikahan magkapatid. kasi naman raymond, umamin ka na!! kaw na lang ang nde nakaka alam, pramis!!

    • TAMA! AT IDAGDAG MO PA UNG INA NIYA NA TALENT MANAGER. SYEMPRE PAG TALENT MANAGER KA, UPDATED KA RIN SA CHISMIS, ITANONG NYO PA KAY JUN LALIN. KAYA MASWERTE SI RAYMOND TABACHINGCHING DAHIL NASUSUPALPALAN NG KANYANG INA NG PERA ANG MGA WRITERS KAYA HANGGANG BLIND ITEM LANG SILA PAG GUSTO SIYA (RAYMOND) ISULAT. IN OTHER WORDS, SI ANNABEL ANG GRAPEVINE NI RUFFA.

      • Sundyegan, i like your ideas and knowledge kasi totoo lahat ang mga sinasabi mo. Par sa akin, wala na talagang credibility ang mga Gutierrez na yan. Sa show ni Ruffa sa Paparazzi, palagi lang nila sinisiraan ang mga artists sa ibang channel pero puro praises lang ang kanilang ibinigay sa mga artists ng kanilang channel, at sobrang arte ni Ruffa maski sa pananalita at action, trying hard and makita mo talaga na parang may ATTENTION DEFICIT DISORDER! :) Sa milyon milyon na pulubi sa Pinas, NAGAWA PA NG PAMILYANG GUTIERREZ NA IPAKITA SA BUONG MUNDO THRU TV ang kanilang trip to Hong Kong ba yon? gamit ang private plane ba yon ni Chavit Singson? Kaya maraming mga pinoy na walang gana sa mga ito dahil parang hambog, eskandalosang pamilya at si Richard na involved sa aksidente na namatay mismo ang PA nya pagkatapos na involved sa kaso dahil sa pagkamatay ng PA nya at namatayan na nga, nakuha pang hinayaan mapunta sa korte. Parang ang kinalabasan walang konsensya sa pagkamatay ng PA nya, kaya siguro maraming nandidiri sa pamilyang ito, and to add insult to injury, nandiyan pa yong mga blind item at balitang sagwang pinagagawa daw ni Raymond.

  11. i’ve nothing against charlene, pero agree ako sa writer about charlene style of hosting. tamaaa…ang tigas niyang mag-hosting. para siyang nag-i-interview ng applicant sa isang job. hindi nakaka-aliw, just plain boring. sorry charlene…just my honest opinion.

  12. I hope hindi totoo na bata nang tibong director si Maja
    Salvador. Isa siya sa favourite actresses ko, sana huwag
    siyang pumatol sa tibo, huwag sana niyang pababain at
    babuyin ang sarili niya. Nakakadiri ang pumatol sa tibo
    at malaking kasalanan sa Diyos. Maja please huwag
    sanang totoo ang tsismis, sayang ka at sayang kung
    papatol ka sa tibo, bababa ang pagkatao mo.

  13. gosh ano to? making something out of nothing…alam mo, there is such a thing as a PROFESSIONAL.. and maja is one of them!! you need to separate fact from fiction AND public from private. huwag makikialam sa mga personal lives ng mga artista..

  14. Hoy! huwag nyo ng intrigahin si idol maja ko noh!porke ba at walang jowa,may mama na!and kung meron man,maja idol pa rin kita! kung san ka masaya!maganda na,super galing pa ang acting!

  15. habang binabasa ko itong article na ito eh dinamay mo pa si charlene, kung si ruffa rin lang ang pinupuri-puri mo. na si ruffa eh ganito ganyan na mas bagay na ganito -ganyan, bat di ka na lang kasi gumawa ng article na palagi ka sa PAPARAZZI at sumasagap kayong mga writer rito sa show nila cristy fermin at dj mo at ruffa. at ang mga pinanggagalingan nyong tsismis ay galing lahat ke ruffa na kilalang tsismosa yun mas maganda pang basahin eh.

    • Si Ruffa like mother kasi, walang kaibahan. Ang ganda pa naman nya (partly courtesy of Salamat Dok) pero parang nawalan ng credibilidad dahil sa bad reputasyon na kinagagawan din ng sarili nya. Nawalan ako ng respeto nitong Ruffa dahil when you are a showbiz host, dapat pantay pantay, hindi lang ang mga enemy mo ang tirahin mo, maski mga kaibigan mo kailangan tirahin mo kagaya ng tinira mong ibang mga artista nagkasala. E yong ginawa niya na maski mga kaibigan nya na nagkasala, hindi siya mag comment pero kung ibang mga walang mga pangalan, yon, ang arte mag comment.

    • tama!!! nabiyayaan lang ng mga gutierrez ang writer na e2 gustong purihin c ruffa pero mang-ddown ng ibang host…. beeeh buti nga pinilit nilang itapat sa dbuzz ang basurang show nila ni sherk fermin na walang ginawa kundi siraan ang talents ng dos ayun nangamote…

Leave a Reply

Your email address will not be published.