Maja Salvador, ‘di maamin na nililigawan siya ni Gerald Anderson

MAJA SALVADOR is now on the hot seat after her photos with Gerald Anderson surfaced on various social networking sites. The photos were allegedly taken during their vacation in Misibis, Albay. Pinaghihinalaan tuloy na may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa.

Maja was bombarded with several questions about the issue during the recent press conference of Ina Kapatid Anak Book 2. Paliwanag ni Maja, “Hind po kami nagdi-date doon. Nandoon po ako dahil bridal shower ng aking pinsan, ang aking best cousin, kaya ako nandoon at siya (Gerald) rin nandoon kasama ng mga kaibigan niya.”

Magkasama sa pelikulang 24/7 in Love sina Gerald at Maja and they went to Davao last November to promote their movie. Nakapag-usap daw silang dalawa. Gerald asked her kung anong lugar ang magandang puntahan and she told him about Misibis. Humingi raw si Gerald ng contact number at ibinigay naman ito ni Maja.

Now, the big question: is Gerald courting her? “Hindi ko po masasagot iyan, eh. Siguro po siya na lang ang tanungin ninyo.”

Wala naman sanang magiging alingasngas kung magka-develop-an man ang dalawa, pero nagkakaroon ng kontrobersiya dahil napapagitna sa kanila si Kim Chiu na alam ng lahat na best friend ni Maja at dating girlfriend ni Gerald. Diumano, dahil dito kaya nagkaroon ng lamat ang magandang pagkakaibigan nila ni Kim.

“Simula po umpisa alam naman po ni Kim ang mga nangyayari,” dahilan ni Maja. Okay naman daw ang relasyon nilang dalawa ni Kim. Ayon pa kay Maja ay inimbitahan din niya si Kim na sumama sa nasabing bridal shower.

Sa presscon ay hindi siyempre pinalampas ng press na hindi matanong si Kim tungkol sa isyu na kinasasangkutan nina Maja at Gerald. “For me, I’m happy for them. Wala namang masama kasi pareho naman silang single. Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa. Nakakalungkot lang, kasi iyong friendship nasayang.”

Kim admitted that she was caught by surprise with the turn of events. “Nagulat ako. Hindi ko in-expect na mangyayari itong ganito. ‘Di ba parang bakit? Hindi naman ako bitter kung ano man ang nangyayari sa kanila. I’m happy for them. Parang nalungkot lang ako kasi iyong taong sinabihan ko noong time na down ako parang kinain niya lang iyong sinabi niya.” Humingi raw ng permiso sa kanya si Maja. Nilinaw rin niya na wala na siyang feelings para kay Gerald. “Nakakapagod iyong tanong kayo nang tanong sa akin tungkol kay Gerald eh, andami naman pong dinaanang babae, di ba? Hindi lang naman po ako. Bakit hindi ninyo po hingin iyong opinyon ng ibang babae since marami naman po sila.”

Pero sa kabila ng lahat, nananatili pa ring positibo ang tingin ni Kim sa buhay. “Positivity, to be fearless, and to be happy [that’s what I am looking forward to this 2013]. And let’s just enjoy. Sa mga bashers, tama na po. Let’s just be happy for the both of them. Kung nagmamahalan sila, kung ano man nararamdaman nila para sa isa’t isa, maging masaya na lang tayo.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Maja Salvador, ‘di maamin na nililigawan siya ni Gerald Anderson

    • Bitter queen kasi ang best friend ni Maja… Seeking for atention and sympathy. Ayun sA presscon nagdrama kaya ang mga alipores niya at ni Sarah pinagtulungan si Maja at gerger… YAN ANG KABIGAN. MAGALING MANGLAGLAG.

Leave a Reply

Your email address will not be published.