Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald Anderson

MAPAGMAHAL TALAGA si Maja Salvador kapag nakapaloob siya sa isang pakikipagrelasyon. Ang kanyang mga kaanak talaga ang ilan sa maraming makapagpapatunay, na marunong magbigay ang magandang aktres ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN ng buo niyang panahon sa taong kanyang karelasyon sa panahong sobra siyang in love. Ilang pakikipagrelasyon na rin naman ang dinaanan ni Maja, at kahit nauwi sa hiwalayan ay hindi rin siya makakalimutan ng kanyang mga nakarelasyon.

Si Matteo Guidicelli ang huling lalaking nakarelasyon na sobrang iniyakan ni Maja. Sa mga hikbi ni Maja nu’ng mga huling buwan ng hiwalayan nila, halatang-halata na si Matteo ang nagkulang ng panahon sa kanya. Hindi naman siguro sa baka nasakal na si Matteo sa sobrang pagmamahalan nila ni Maja, kundi baka nakasasawa rin ‘yung sobra-sobrang pagmamahal na iniuukol sa kanya ng magandang aktres, na hindi niya makayang sabayan dati.

Magaling si Maja sa time management. Kahit sobra siyang in love ay hindi niya napapabayaan ang kanyang mga trabaho. Inspirasyon para sa kanya ang taong mahal niya, katulad sa relasyon nila ngayon ni Gerald Anderson. Kaya lang, ang payo nga sa kanya ng mga kaibigan ay huwag naman dapat kay Gerald lang umikot ang kanyang mundo. Magtira rin dapat siya para sa kanyang sarili.

Mga bata pa sila ni Gerald at mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang relasyon para masubok kung sila nga ang magkakatuluyan at hindi na siya iiyak ulit tulad ng dati kapag natapos ang pakikipagrelasyon.

KAHIT NAMAN nu’ng bagets at dancer pa lang si Dingdong Dantes ay umaapaw na talaga ang kanyang breeding.  Nangunguna talaga iyon sa kanyang personality. Kaya nga hindi mo siya maaasahan na magsalita ng mga patapos na baka hindi niya makayang panindigan, o kaya ay ang makipag-away sa kung sino-sinong tao sa showbiz.  Kaya nga, walang maririnig na reklamo laban sa kanya bilang artista na nakakatrabaho sa mga proyekto. Lahat ay nagugustuhan siya.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Dingdong. Ang tagal-tagal na niya sa bakuran ng GMA-7, dahil doon na siya nagbinata. Kaya nga, mahirap para sa kanya na magsalita tungkol sa isyu ng paglipat niya sa ibang network ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang kontrata sa Kapuso network. Ilang ulit na kasing muntik malaos ang career ni Dingdong, pero ilang ulit din na sa bakuran ng Siyete ay nakabawi siya at paulit-ulit ding sumikat.

Matunog na ang usap-usapan na pagkatapos ng contract ni Dingdong sa GMA ay sa ABS-CBN na siya lilipat. Alam ni Dingdong na marami na talagang nag-aabang sa kanyang paglipat, dahil ang level ng kanyang pagiging artista ay sa bakuran lang ng Kapamilya Network dapat lumipat kung tiyak at bagong kasikatan ang inaasahan.

Balitang kapag kumpirmado na ang paglipat ng actor sa Dos ay naghihintay na ang tambalan nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema.

Ang problema na lang, mahal din ng Siyete si Dingdong, at baka sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kontrata ay pigilan din siyang lumipat ng ibang network.

ChorBA!

by Melchor Bautista

loading...

17 thoughts on “Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald Anderson

  1. Si Matteo sobrang iniyakan ni Maja?Kung totoo mang sobra niyang iniyakan si matteo eh bakit ang dali niyang nakakuha ng ipalit kay Matteo?

    • have you heard the saying that the way to heal a broken heart  is to find another love? . Yun lang ang sagot sa question mo; we are all different when it comes to love. Let them be happy na lang kung talagang nagmamahalan sila eh di go! Hindi mo nmn talaga mapipili kung kanino titibok ang puso di ba?. So stop bashing and respect na lang natin sila at kung anuman yung feelings nila. It’s a nice feeling to be in love.

  2. Noong Guest si Maja sa Magandang Gabi Vice, pinakanta siya ni Vice.. Sabi nila pag maganda ang boses mo sasabihin sa iyo aba may tinatago ka palang boses.. sa ke Maja kung ako ang kaharap ni Maja sasabihin ko ke Maja Abahh Maja, Itago mo na lang ang boses mo Hahahaha..kahit pa sabihin natin na nag voice lesson wala epek ang lesson niya sa totoo lang.. May kasabihan kung hindi para sa iyo hindi talaga pa ra iyo. Huwag na lang pilitin ika nga. Ang pera na ibabayad ko sa show ni Maja..ibili ko na lang ng CD ni Tarzan ganda pa ang boses ni Tarzan pakinggan kay ke Maja.

  3. Agang bitteran agad ang inggitera! Let them feel d love ns tingin nila ay ukol pra sknla… at kung humupa mn ito s pnhon at mghiwalay cla…… eh at least natutunan at naiparamdam nmn nila n minsan ay ngmhlan cla so ano nmn prob ng iba jn?

  4. Ibuhos muna maja kc sayang naman sinakripisyo mo para lang sa budoy na yan pinagpalit m lahat kinain m pati kahi2xyan para lang sa abnrmal na yan.kawawa ka naman teh kung d kau magkaka2luyan kaya all effort te para worth it!

    • Ryza walang security ang relastionshio mapa-boyfriend or may asawa ka pa the samething sa magbff din walang permament kasi tuwing may post comment ka ganoon ang topic mo or di kaya nangiinis ka lang para ipagtanggol mo ang Idol mo ….! bakit hindi mo subukan magkaroon ka ng relastionship para ma-experience mo by then siguro titigil ka na to blamed somebody ‘like maja’ friendship diyan sa Idol mo na ayaw mag move on …! galit na galit siya kasi ayaw balikan siya ni Gerald Anderson yun lang yun … Bhahahaahaahahahaaaa !

      • Kawawa naman si Xian, naging pangtakip na lang sa longing ni Kim kay Gerard. Sana mag-heal na si Kim ng totoo para maka-move on na siya. Gawin niya yung ginawa ni Karylle nuon, ayan naka-move on siya from Dingdong Dantes.

  5. talagang ganyan lang pag nagmamahal ka diba ….kaya Gerald at maja go lang go ipagpatuloy lang ninyo yan at ipakita ninyo sa buong mundo na totoo kayo na mahal na mahal ninyo ang bawat isa

Leave a Reply

Your email address will not be published.