Maja Salvador, break na sa ‘di inaming BF!

BREAK NA PALA si Maja Salvador sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.

Hindi rin daw nagtagal ang relasyon ng dalawa at nauwi rin sa hiwalayan. Hindi naman sinabi ng aming source kung sino ang nakipaghiwalay at kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ang kumpirmasyon lang niya, wala na talaga ang magdyowa.

Anyway, baka ang busy schedule ni Maja ang dahilan. Baka nawalan ng time ang dalaga sa kanyang boyfriend lalo pa’t wala nang pahinga ang dalaga dahil sa kanyang sunud-sunod na proyekto sa Dos.

Teka, hindi pa umaamin si Maja na naging dyowa niya si Rambo, kaya malamang ay hindi rin niya aaminin na naghiwalay na sila.

Bago?

Anyway, kami ang unang nagbalita na may non-showbiz boyfriend si Maja na si Rambo nga.

 

BLIND ITEM: NAKAKATAWA ang isang sikat na young and sexy actress na ito.

May despedida party kasi ang hitad dahil isang buwan siyang mawawala. Non-showbiz friends ang kasama ng aktres sa kanyang despedida party sa isang sosyal na resto sa Makati. Wala ang hunk boyfriend ng aktres at merong ilang celebrity friends na dumalo.

Anyway, matapos sa isang resto ay nagpalit ang grupo ng aktres ng venue. Pumunta sila sa isa pang resto na malapit din sa kanilang pinanggalingan. Siyempre, sosyal din ang resto.

‘Eto na ang tsika. Nang umalis sila sa unang resto ay hindi nagalaw ng aktres ang isang bote ng alak. Ang ginawa ng aktres ay sinabihan ang kasama niya na ilagay ito sa bag niya at saka binitbit sa next restaurant na kanilang pinuntahan.

Nang nasa second resto na sila, nagulat ang waiter dahil nanghingi ng isang ice bucket ang kasama ng aktres. Siyempre, nag-namedrop ang friend ng aktres at sinabing request ito ng sexy celebrity na kasama nila.

Ayun pala, na-discover na lang ng waiter na ang ice bucket pala ay para sa alak na dala ng grupo ng aktres na umiiwas yatang bayaran ang corkage.

Wala nang clue kasi madali lang namang hulaan kung sino ang aktres na nagbabakasyon ngayon kasama ang kanyang boyfriend. Kung hindi n’yo mahulaan, tiyak na tatarayan kayo ng kaaway ng aktres na mala-Greta Garbo ang dating ng beauty.

 

BONGGA ANG EURASIA, ang bagong all-female group ng Viva Artists Agency na nag-launch recently ng kanilang self-titled album.

Sosyalerang sexy beauties na may dugong banyaga ang bumubuo sa Eurasia tulad ng Fil-Japanese na si Kristine Nieto (first runner-up sa Be Bench search); Fil-German na si Lana Roi (na pageant winner sa pakontes ng Century Tuna); Fil-Italian na si Sara Polverino (na kasama dati sa Ang TV); Fil-British na si Kelly Anne Gamboa; at ang tanging Pinay na Pinay na si Gail Nicolas (2007 Mosimmo Bikini Summit grand champion).

Ang mind you, class talaga ang booking ng Eurasia. May series of shows sila sa Europe this month at next month naman ay sa Asia sila hahataw ng performance. Regular sila every Tuesday, Friday at Saturday sa sosyal na Resorts World Manila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Maja Salvador, break na sa ‘di inaming BF!

  1. isa kang malaking tanga hater. yun nga ang point, ayaw niyang magbayad ng corkage fee. di ba nakakatawa yun. ang laki niya kumita pero corkage lang di niya mayabaran. how idiot can you get. that’s the gist of alex’s story. are you a savant, idiot or moron? you don’t make sense. you can go to hell

  2. dami tlgang pulpol na writer sa atin! hayz prang gusto ko tumalon sa building…lol! ms .alex kung sino ka man, natural lng dito sa america ang mgbitbit ng wine/ hard liquor sa isang resto..ung ibang resto may CORKAGE FEE na tinatawag okay? wla ka siguro maisluat kya pati yang ganyang bagay kailngan pa gawing BIG DEAL! kakahiya huh!

  3. gaga, ang issue ay ayaw magbayad ng corkage ng aktres. tanga ba you? ok lang naman na magdala ka ng alak sa resto but you have to pay the corkage. iyon ang issue. sometimes or most of the times ang mga nagko-comment dito ay IDIOT. may sebo ba ang mga utak n’yo. are you people learned? simpleng-simple hindi n’yo maintindihan ang istorya. utak biya. pwe

    • at ikaw ano. maypaingles ingles ka pa mali naman. ano yung”are you people learned” kakatawa ka. esep esep bago mag salita..hay

  4. Walang masama sa ginawa ng actress sa BI. Sa mga pinupuntahan kong gay bars dito sa States, allowed kami magdala ng alak.

  5. anong masama sa hindi nagalaw ang alak…haler nagiging practical ang tao sayang yun noh..tao din naman yan at bakit hindi pwede na gawin nya yun..atleast may pambili siya…

  6. walang masama sa ginawa ng BI na aktres. bayad naman yung alak so walang problema roon. ginagawa yan ng lahat buti nga to alak yung iba softdrinks lang. Angelica Panganiban

    • I absolutely agree. We do the same thing here in the US. Sometimes, we purposely buy our liquor at the store and bring it with us to a restaurant that serves drinks. They don’t mind providing the ice and glasses. Just make sure the restaurant also serves hard liquor or you may not be allowed to bring your drinks inside. It has somethng to do with licensing. So, Alex Brosas, what you said is really NO BIG DEAL !

  7. eurasia ? dapat talagang european-asian mix blood… bakit me halong japanesse at pinay sa grupo…ngeee ! it doesnt make sense.

      • nasa grade 1 palang kasi sya, kya di nya pa alam ung mga continents….pero kwedaw ka,,grade 1 sya pero nakaka-pag-koment na dito sa net…

      • haha! kakatawa naman kayo… Siguro dapat lang bigyan ng world map yan para ma-familiarize siya. :0

    • Pastilam, you’re partially correct. The name of the group connotates a mixed European-Asian blood. However, the group’s name most likely pertains to each member composed of Eurapians and Asians and not necessarily the mixed eurasian blood line.

Leave a Reply

Your email address will not be published.