Maja Salvador, binasted na si Coco Martin!

Nang magkaroon kami ng pagkakataong makausap si Maja Salvador, hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa sa aming tanong. Bilang malapit sa aming puso ang batang aktres, naging tapat kami sa kanya at sinabing kapansin-pansin na ang kanyang unti-unti pagtaba. Kitang-kita na sa TV ang kanyang paglobo at hindi na ito mukhang maganda. Bilang artista, alam naman natin na katanggap-tanggap lang ay ‘yung sexy at maganda ang pangangatawan. Pero hindi na ikinagulat ni Maja ang tanong namin.

“Nagpataba talaga ako. Kasi kailangan siya ng role ko sa “Nagsimula sa Puso”. Nanay na ‘yung role ko du’n, so I took it upon myself na maging credible naman ‘yung role na pino-portray ko. Na magdagdag ng konting weight.” Paliwanag ng aktres. Umabot na raw kasi sa 125lbs ang kanyang timbang at dahil lumalabas siya sa telebisyon, nadadagdagan pa ito ng 10lbs pa, kaya sobrang lobo na siya kung tingnan sa TV. “Pero nagbabawas na po ako ulit ng timbang. Kasi dito sa Impostor, iba na ulit ‘yung role ko, kaya diet na ulit ako.” Sundot ni Maja.

Kitang-kita naman namin ang naging pagbabago sa kanyang timbang at hugis dahil sa ginanap na pictorial ng Impostor, eh, korteng-korte ang kanyang kaseksihan.

Sa katunayan, cover girl si Maja ng upcoming April issue ng Preview magazine na lalabas na sa mga magazine stands next week. Abangan n’yo ‘yan dahil talaga namang maganda ang pictorial at nag-two piece na si Maja roon!

Wala pa raw panahon sa kanyang lovelife itong si Maja. Siya na raw mismo ang nagkusang nagpigil sa sarili na huwag ma-in love muna, dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto at kailangan niyang mag-concentrate at mag-focus. So, ibig sabihin ba nito, binasted niya si Coco Martin? “Ay, hindi! Pareho kaming nag-control na ‘wag muna.” Natatawang sagot ni Maja.

‘Di ba ganoon na rin ‘yun, Maja?!

KAHAPON, GINANAP ANG turnover ng bahay ni Melissa Cantiveros na kanyang napanalunan sa PBB Double Up. Tinanggap ni Melai ang kanyang bagong bahay sa St. Monique Valeis sa Binangonan, Rizal at mismong si Mr. Delfin Lee at ang kanyang anak na si Divine Lee ang nag-abot ng susi kay Melai. Ang tanong, bukod sa kanyang sarili, sino pa ang titira sa bahay ni Melai? Eh, nasa GenSan ang kanyang mga pamilya, ‘di ba? Si Jason kaya? P’wede.

NAGSIMULA NA ANG bar tour ng Babe, I Love You movie ng Star Cinema kagabi sa Guilly’s Island Bar sa Tomas Morato. Maraming dumalo at marami ang naki-party sa cast and crew ng Star Cinema. Medyo nagmamadali lang si Sam, dahil kagabi rin mismo ang flight niya papuntang US para naman sa kanyang Heartthrob US tour kasama sina Piolo, Pokwang, Bea, John Lloyd, Kim and Gerald. Hindi na nga raw nakapag-dubbing pa si Sam dahil sa tindi ng kanyang schedule na sabay nagtatrabaho para sa pelikula at sa kanyang upcoming soap opera na Impostor.

loading...

4 thoughts on “Maja Salvador, binasted na si Coco Martin!

  1. c rambo nunez yung kasama nya sa singapore boyfriend nya.nag date cla nung valentines day …maja mag focus ka muna sa career mo binibigyan ka nga break ng abs-cbn wag mo sayangin.your the denial princess sa showbiz.deny to death ka noong kay carlo aquino naging kayo nman pla.tapos yung kay coco martin ka etchingan lng yun promo lng nila sa nagsimula sa puso..akala ko pa nman dati di ka nagsisinungaling pero d nman pla napaka sinungaling mo

  2. i saw maja salvador at singapore zoo.. syempre sa singapore un, may ka holding hands, matangkad n lalaki at dedma niya mga pinoy dun kasi hnde cxa namamansin… yung guy ay look a like ni uma ang hair pro im sure n non showboz yun… maja is wearing blue shirt tas naka shorts lang tas naka gladiator shoes.. mabilis sila maglakad pag alam nila may mga pioy sa tabi gayunpaman kapansin pansin pa rin cxa..

Leave a Reply

Your email address will not be published.