MAJA SALVADOR, BIKTIMA NG LEADING MEN!

Isa si Maja Salvador sa mga artista ng ABS-CBN na palaging tikom ang bibig pagdating sa kanyang personal lovelife, pero lagi rin itong biktima ng media hype. Halos lahat ng lalaking nakapareha niya sa kanyang mga proyekto ay pilit na inili-link sa kanya, pero ni hindi niya pinatulan ang kahit isa sa kanila sa totoong buhay. Ngayon ay pilit siyang inili-link kay Matteo Guidicelli dahil silang dalawa ang bagong loveteam sa isang teleserye. Sa mga interviews, pareho nilang sinasabi na gusto nila ang ugali ng isa’t isa, pero hindi naman ibig sabihin noon ay mauuwi sa totohanan ang tambalan nila, ‘noh! Kung talagang magki-click ang isang loveteam, hindi na kailangan pang piliting magkaroon ng totoong ugnayan ang dalawang tao!

BIANCA GONZALES, PINOPORMAHAN NG EX-BF NI CARLA ABELLANA!

Lumabas noon sa cover ng Pinoy Parazzi ang mga larawan ni Carla Abellana kasama ang kanyang ex-boyfriend na si JC Intal. Ito ang basketbolistang dyowa ng aktres bago pa nito tinanggap ang papel na Rosalinda sa GMA-7. Ngayon na inamin na ni Carla na sila na nga ni Geoff Eigenmann sa totoong buhay, balitang pinopormahan ngayon ng kanyang ex-boyfriend ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzales. Hindi naman itinanggi ito ng dalaga, pero nilinaw niya na nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang sila. Late last year lang nakipaghiwalay si Bianca sa kanyang non-showbiz boyfriend sa hindi malamang kadahilanan.

VENUS RAJ, TYPE SI COCO MARTIN!

Isa na ngang ganap na Kapamilya contract star ang Miss Universe 2010 4th Runner-Up na si Maria Venus Raj. Ang akala ng lahat ay pipirma ito sa Kapuso network, pero sa kuwadra ng Dos ito napunta. Sa ngayon ay wala pang napapabalitang proyekto ang dalaga, pero naging vocal ito sa press nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapareha sa isang programa. Maliban kay Piolo Pascual (siya naman palagi ang pinipili ng mga bebot, pansin n’yo?!), si Coco Martin ang type ng beauty queen kahit pa kapos sa height ang drama actor. Agad naman nitong sinabi na willing itong magtanggal ng kanyang high-heeled shoes, makasama lang si Coco! Taray ng lola n’yo, huh?!

ROBIN PADILLA, DUGO’T PAWIS ANG PUHUNAN SA BAGONG PELIKULA!

In-upload na nga sa internet ang trailer ng pelikula ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na Tum, My Pledge of Love. Halatang ginastusan at pinag-isipan talaga ang pelikula ng mag-asawa. Marami ang nagsasabi na malaki ang posibilidad na hindi tangkilikin ng mga manonood ang nasabing pelikula dahil naging negatibo ang dating sa dalawa dahil sa biglaang pagpapakasal. Hindi naman talaga dapat ang personal na buhay ng mga bida ang rason para panoorin ang isang pelikula. Balitang ‘all-around’ si Binoe habang kinukunan ang mga eksena sa India dahil na rin sa kakulangan ng Pinoy staff. Sana nga’y kumita ng bonggang-bongga ito para worth it naman ang lahat ng gastos at hirap.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “MAJA SALVADOR, BIKTIMA NG LEADING MEN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.