Maja Salvador balik-concert scene sa ‘Maja On Stage’

Maja Salvador

MULING SASABAK sa concert scene si Maja Salvador ngayong 2018 para sa Maja On Stage.

Magsisimula ang concert tour ni Maja sa IEC Convention in Cebu sa February 4. Pagkatapos nito ay dadalhin naman ang Maja On Stage sa The Big Box East Jurong, Singapore sa February 18. Then, pupunta sila ng USA. Magtatapos ang concert tour sa Kia Theater on March 23.

Pagkatapos mag-concentrate sa acting sa Wild Flower ay na-excite si Maja na bumalik sa stage.

“Nu’ng sinabi na may plans about concert and ano magiging title, sinabi ko lang na parang sa buong 2017, nagpaka- actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, ’di ba? So, parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” sambit ni Maja.

Dagdag pa ni Maja,  “Eh, forever love ko ’yon. Forever love ko ’yung pagsyu-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, pero babalik-balikan ko siya.”

Eh, ano ba ang dapat abangan sa kanya sa bagong concert?

“Siyempre, not the same do’n sa MOA, sa mga naging concert sa Music Museum, kasi siyempre, we want something new naman lagi. So, iba ’yung atake sa music, sa sayaw,” paliwanag niya.

Makakasama ni Maja sa kanyang concert tour ang kanyang Wildflower leading men and hunky Kapamilya stars na sina Joseph Marco, RK Bagatsing at Vin Abrenica, as well as her comedian friends na sina Kakai Bautista at Pooh.

Para sa  tickets ng Maja On Stage in Cebu this coming February 4,  just call Mav at 0926-0747776 / 02-4306870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962, Rallion at 09219221796 and IC3 Office: 343-4854

For Tickets on “Maja On Stage” in Singapore on Feb 18, please call 914-401-87

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Maja Salvador balik-concert scene sa ‘Maja On Stage’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.