Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!

 MASUWERTE PA  rin  talaga si Maja Salvador, dahil sa kanya ipinagkaloob ng katatapos na Gawad URIAN ang paghirang bilang Best Actress dahil sa epektibo niyang pagganap sa pelikulang Thelma at ikinatutuwa rin iyon ng mga malalapit niyang kaibigan. Alam kasi nilang ibinigay talagang lahat ng young actress ang kanyang buong makakaya para sa ikagaganda ng nasabing pelikula, dahil malapit sa kanyang puso ang nasabing proyekto.

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sa kanyang acceptance speech ay umiyak siya. Naroon sa kanyang isip, na kung sa ibang namahagi ng awards ay hindi siya tinanghal na panalo, ay heto at mayroon pa ring kumilala sa kanyang kahusayan. Lagi naman niyang pinagbubuhusan ng galing ang bawat proyektong kanyang tinatanggap, pero aminado siyang dahil markado para sa kanyang pangalan ang Thelma kaya ang dami niyang isinakripisyo nu’ng mga panahong sinu-shooting pa lang ang nasabing movie.

Dahil nakalimutan ni Maja na banggitin ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kanyang acceptance speech, kaya marami ang nag-aakala na mayroon silang pinagdaraanan ngayon tungkol sa kanilang relasyon.  Kasi nga, hindi sila masyadong mai-ngay ngayon tungkol sa kanilang pagmamahalan. Kinukulit na si Maja kung sila pa rin ba ni Matteo, o ayaw pa lang magsalita. Iyan na nga raw ang susunod na isyung sasagutin ni Maja pagkatapos niyang makarekober sa sobrang saya sa pagkaka-panalo niya bilang best actress.

MAGKAIBIGAN NAMAN kasi sina Eugene Domingo at Ai-Ai delas Alas, kaya kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng ilangan factor sa tuwing pinagkukumpara silang dalawa. Mas naiilang si Ai-Ai nu’ng sa bakuran ng ABS-CBN ay lagi silang pinagkukumpara ni Pokwang, lalo na nu’ng panahong napakaraming raket ni Powkie sa Kapamilya Network at nagkakataon namang walang masyadong raket noon ang Comedy Concert Queen.

Matagal na kasing magkakilala sina Eugene at Ai-Ai, at mas lalo silang nagkapalagayang-loob dahil na rin sa sunud-sunod na proyektong pinagbidahan ni Ai-Ai, habang walang kaere-ere si Eugene na pumayag magmistulang alalay lang ni Ai-Ai sa mga pinagsasamahan nilang pelikula. Malaki ang respeto ni Ai-Ai kay Eugene, dahil ang tinitingnan ng bida sa pelikulang Kimmy Dora ng Star Cinema at Spring Films ay ‘yung masaya nilang pagkakaibigan at hindi ang kumpitensiya sa kanilang kasikatan, lalo pa nga’t nakapagbibida na si Uge.

Walang duda na sikat na talaga at magaling na komedyana si Pokwang. Kaya lang, kulang na kulang pa siya sa mga proyektong pinagbidahan na magsasabing kaya niyang kabugin sino man kina Ai-Ai at Eugene. Matagal nang nagrereyna sa takilya si Ai-Ai. Pero ngayon ay may planong magpakasal siya sa guwapo niyang boyfriend na si Jed Alvin Salang.  Bakante rin siya sa paggawa ng pang-filmfest na pelikula, habang si Eugene ay umaarangkada. Wala sa takbo ng utak ni Uge na agawan ng korona si Ai-Ai, pero walang kaplastikan na happy siya sa tagumpay ng career ngayon ni Uge.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

9 thoughts on “Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!

  1. Maja is deserving of the award. She gave her best to make this movie extra special. She made a name for herself. Do not say she rode on Kim’s fame because Kim has not proven anything yet other than being a Teleserye  princess.  She has yet to prove that she can break into the big screen. Maybe in time. Let’s see how she does in her new movie with Vilma Santos. 

  2. BKA NMAN ANG IBIG SABIHIN NUNG WRITER EH NAGKAKALABUAN C MAJA AT MATTEO KC NUNG NAGPAPUTOK C MATTEO NG TAMOD NYA EH HINDI LAHAT NASALO NG BUNGANGA NI MAJA KUNDI PUMULANDIT SA MATA NYA KAYA DI CYA MASYADO MAKAKITA. BWAHAHAHHAHAHAHAHAHA

  3. Mga tanga! anong nagkakalabuan? nalalabuan nga si maja mismo sa report na to. ang galing kasi mag-imbento ng writer para lang may maisulat na kasinungalingan. fyi, magkasama lang last week si maja sa birthday party ng dad ni matteo sa cebu tapos kani-kanina lang, spotted sila sa isang resto na nagdinner. ANG TANGA MO, WRITER!

    • Sa The Buzz, Maja congratulated Matteo for winning first place in his latest car race. Mukha namang walang labuan.

  4. —- hoy maja kaya ka lang sumikat dahil ginamit mo si kim….nakipag kaibigan ka sakanya at parati kang dumidikit kay kim sa mga interview nya..sumisingit ka…….paawa effect ka ginagamit mo din ang ama mong namapayapa na porket Salvador ka…..but deep down inside ambisyosa ka din….pasimple kung tumira…hindi kayo bagay ni matteo….nag flirt ka lang sa kanya kaya ka nya niligawan kumbaga palay ang kusang lumapit sa manok……nasa loob ang kulo mo…makikita naman sa mga mata mo kapag iniinterview ka……pinipilit lang tlga ng ABS CBN na magkaron ka ng serye at programa because you are a LOW BUDGET…in short mumurahin ang TF!!! ….PLASTIC!!!and USER!!!

  5. ewan ko ba jan ky maja…swerte na nga nya kay mateo noh. mayaman, gwapo at edukado…ano pa ba hinahanap nya? ako na lang sana matteo! chos

Leave a Reply

Your email address will not be published.