Maja Salvador at Matteo Guidicelli, magdyowa na?!

HALOS ARAW-ARAW PA lang pinupuntahan ni Patrick Garcia ang kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz sa bahay ng aktres sa Fairview, Quezon City para ihatid sa school ang anak nila.

Around nine in the morning, dumarating na raw sa Fairview ang aktor mula sa bahay ng kanyang daddy sa Ayala Alabang kung saan s’ya nakatira ngayon, ayon kay Mommy Lydia ni Jen.

Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas onse lang daw ng umaga ang klase ng anak nina Pat at Jen, kaya hininhintay na raw ng ama ang bagets at ihahatid na n’ya agad sa bahay sa Fairview tsaka maglalaro ang mag-ama bago s’ya umuwi ng Alabang.

Wala naman daw problema sa actress-singer ang ginagawa ng kanyang ex-boyfriend, dahil maayos na ang lahat, sabi pa ni Mommy Lydia.

Maging ang Ate ni Patrick na si Cheska Garcia, alam at natutuwa sa ginagawa ng kapatid sa anak nito.

Minsan pa raw ay kina Patrick sa Alabang natutulog si Alex Jazz kasama ang Lola Lydia nito.

Bukod sa guwapo, mukhang mabait at sobrang behaved ng anak nina Patrick at Jennylyn nang huli naming makita. Sabi nga ng lola n’ya at ng yaya, manang-mana raw sa mga magulang n’ya na parehong tahimik lang at hindi mahirap alagaan.

HOW TRUE NA grabe raw kung makipag-away si Jeanette Joaquin na member ng sexy female group na Baywalk Bodies sa kanyang lesbian lover?

Kahit dis-oras ng gabi ay naririnig pa raw ng mga kapitbahay ng sexy starlet ang boses nito na tumatalak habang tahimik lang daw na nakaupo ang diumano’y d’yowa nitong lesbian. Mga alas tres y medya raw ng madaling-araw, iyak nang iyak si Jeanette hanggang tuluyan na raw mag-eskandalo bandang ala-siyete ng umaga.

Minsan pa raw, palakad-lakad si Jeanette sa kalye nila na walang tsinelas at walang kibo kahit ha-tinggabi na.

Ngayon lang daw nabulahaw nang ganon ang dating tahimik na lugar nila sa Brgy. Pag-asa sa Quezon City, dagdag pa ng aming source.

MAG-DYOWA NA KAYA ngayon sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli?

Ang chika kasi sa amin, sa Christmas party raw ng isang call center company last December, kung saan kinuhang celebrity guest ang young actress, kasama raw nito ang young actor kahit hindi ito parte ng program. Matiyagang naghintay lang daw ang binata na matapos mag-perform si Maja.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

9 thoughts on “Maja Salvador at Matteo Guidicelli, magdyowa na?!

  1. ako hanga ako sa beauty ni maja salvador. napaka ganda ng mucha nya di sya nakakasawang tignan kahit walang make'up beauty parin sya. at saka very simple lang ang beauty nya.. at di lang yun ah! magaling pa sa drama..

  2. ….natural mente na alagaan ni patrick si jazz,anak nila yun.saludo ako sa mga dadding ganyan, gaya rin ni james yap,na friends ang kinalabasan ng hiwalayan nila.lalu pa nun at lalake ang anak nila.`wag lang sana kaplastikan ang pakita sa madla …magagalit ang mga fans…:p

  3. say peace if u want armageddon comes i urges to people that help me spread the good news to the other social networking sites when powerfull nation say peace the armageddon will come and poverty,accident,crime,disaster,disease,older,and DEATH WILL BE NO MORE

    • …a ganon?e papatayin mo naman ako ng letter mong walang piriod…robot kaba? halika punta ka rito sa japan :)WELCOME :)

  4. dapat lang noh,,tatay si pat ng anak nila ni jen,,so,,maging responsable at focus sa anak,,malay nga natin mas happy anak nila if sina jen at pat padin at the end…

  5. yung kay maja at mateo,,di naman totoo iyan,,parang ayaw muna ni maja magka lovelife now,,,kase nga,,so young pa daw sya,,,which is gud tlaga,,bata pa sila ni mateo,saka na,,yan,,cant wait to see MATEO GUDECELI,,AT KIM CHUI sa BINONDO GIRL,,ksama si ROXANE GUINOO AT COGIE DOMINGO daw,,.xciting diba,,

  6. HAPPY ANG LAHAT SA SITWASYON NINA JEN AT PAT,,TUTAL,,TUNGKOL ITO SA KAPAKANAN NG ANAK NILA,,,AMA AT INA SILA NI AJ,,SO,,KARAPATAN NILA IYON,,KAYA LANG,,MAS MASUSUNOD PASIN SI JEN,ANYHOW,,RESONSABLENG AMA AT INA SINA JEN AT PAT,,IM SURE LALAKI NG MAAYOS AT MAY BREEDING ANAK NILA,,KUNG NAKIKITA NG BATA NA MAY PAGSUSNURAN SINA JEN AT PAT,,MALAY NATGIN ,,SINA JEN AT PAT PADIN IN THE END,, DIA,,SANA DIBA,,SAKITIN PA NAMAN SI JEN,,SO,DAPAT IBIGAY ANG STRESS KAY PAT,,HEHEHE…LOVE THEMM

Leave a Reply

Your email address will not be published.